Advertisers
Tumaob ang isang motorbanca sa gitna ng masamang panahon dulot ng bagyong Aghon sa baybayin ng Penafrancia ,Claveria, Masbate.
Sa ulat, patungong Masbate City ang MBCA Oceanus Uno nang masalubong ang hindi magandang panahon at tinamaan ng malakas na alon na nagresulta ng pagtaob.
Kaagad na tumugon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Aroroy MDRRMO sakay ng dalawang rescue boats na nagtungo sa bisinidad upang magbigay ng assistance sa motorbanca.
Nasagip ng search and rescue (SAR) team ang 48 indibiduwal kabilang ang mga pasahero at crew na lahat nasa maayos na kalagayan.
Itinurn over ng SAR team ang mga pasahero sa Health Unit Aroroy Municipal Hospital para sa atensyong medikal. (Jocelyn Domenden)