Advertisers
Nasa pangangalaga na ng Women and Children’s Desk Division ng Daraga Municipal Police Station ang 15-anyos na high school student nang maaresto ng mga pulis sa pagbebenta ng baril at nakuhanan pa ng droga sa ginawang gun buy-bust operation sa loob ng UV Express Terminal sa Purok-1, Brgy. Kimantong, Albay.
Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development na kinilala lamang sa pangalang “Dante”, residente ng naturang lugar.
Sa ulat, inalok ng binatilyo ang isang undercover agent sa ibinebentang baril.
Dakong 12:15 ng tanghali, inilatag ang buy-bust operation laban sa suspek sa compound ng UV Express Terminal.
Nang magkaabutan ng kontrabando agad inaresto ang estudyante ng mga nakakubling operatiba.
Nabawi mula sa suspek ang ibinebentang Caliber 357 Taurus revolver na may serial number 3567. Nang kapkapan nakuhanan pa ito ng isang sachet ng shabu.