Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang Instagram, pinusuan ng netizens ang ibinahaging video clips ni Bela Padilla.
Ito ay may kaugnayan sa kanyang free diving lessons sa Bohol at Coron.
Sa Bohol, na-enjoy niya ang private island hopping adventure niya sa Balicasag.
Pagdating naman sa Coron, ipinakita niya ang kanyang free diving skills sa isang sanctuary sa Pukaway.
May caption itong: “Promise me you’ll swim in the dark at least once in your life?”
Bukod sa kanyang alindog, pinuri ng netizens ang kanyang katapangan sa pagsisid sa ilalim ng dagat.
Sey pa ng kanyang followers, perfect daw na gumanap na Dyesebel ang magaling na aktres dahil sa sa galing nito sa pagsisid.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Sirena ka siguro sa past life mo. 🧜♀️♥️”
“You’re too brave!! That’s the stuff of nightmares 🥲”
“Ohh wow this is amazing love ❤”
“Baka dati kang isda bella haha pero ang galing 👏”
“Mermaid Bels 🤍”
“Mermaid 🧜♀️ ❤️”
“Super pretty naman ng mermaid na to!😍😍😍”
“Sirenang may paa🔥”
“Awww 😍 so magical sissy @bela”
“Omg real life #dyesebel 😍❤️”
“Bet talaga niyang maging Dysebel. She’s perfect for the role.”
***
PVL pinuri ng MTRCB sa pagsunod sa panawagan ng Etikal at Responsableng Sports Environment
NAGPAHAYAG ng suporta ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa hakbang ng Premier Volleyball League (PVL) na bumalangkas ng isang code of ethics at mga regulasyon sa disiplina bilang tugon sa isang viral na insidente nang ang isang manlalaro ng Petrogazz ay nahuli ng live camera na gumawa ng malaswang galaw sa kasagsagan ng laro.
Pinatawag ng MTRCB ang pamunuan ng PVL, ang mga prodyuser ng palabas, at mga brodkaster (Nine Media at Cignal TV) upang masiguro ang pagsunod nila sa mga pamantayan ng etikal na pagbobrodkast ng kanilang liga.
“Nalulugod kami sa MTRCB na ang aming pag-uusap ay nag-ambag sa pagbuo ng isang mas etikal at responsableng sports environment,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
“Sa loob at labas ng court, hindi lamang sila mga atleta kundi mga huwaran ding ehemplo ng mabuting mamamayan na nakakaimpluwensya sa mga batang manonood. Kaya dapat silang maging mas maingat at responsable sa kanilang mga aksyon,” dagdag ni Sotto.
“Tinitingala sila ng mga kabataan, kaya dapat silang maging mabuting halimbawa bilang mga atleta. Kapuri-puri ang pamunuan ng PVL sa kanilang aksyon, laluna sa kanilang agarang paglikha ng sariling code of ethics,” sabi pa ni Sotto.
Inanunsyo ni PVL Commissioner Sherwin Malonzo na ang liga ay nakagawa na ng isang komprehensibong code of conduct, na naglalarawan ng proseso, mga parusa, at mga sanksyon para sa anumang paglabag.