Advertisers
Ni JIMI ESCALA
MARAMING pasabog ang Kapuso aktres na si Sheryl Cruz sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday ng hapon.
Deretsong ikinuwento ni Sheryl ang mga aktor na naging karelasyon niya, sina Aga Muhlach, Mandy Ochoa, Zoren Legaspi at Anjo Yllana.
“Actually I call him Ariel ( real name ni Aga) during the time that we were together.
“Mandy became my boyfriend because first Bench model di ba?
“Si Zoren first before Mandy and then Aga,” pagbabahagi pa ni Sheryl.
“Mandy became my boyfriend because first Bench model, di ba? Wow, model, ganyan-ganyan.”
Kasabay ding isiniwalat ni Sheryl ang tampo niya noon kay Anjo.
“Actually, nagtampo ako sa kanya noon because he asked for my hand in marriage that time, before I left for the States and decided to actually try it there.
“He asked for my hand in marriage and I said yes. And then I found out na he got somebody pregnant. So, kahit papaano, ‘you broke my heart.’
“But it’s already water under the bridge. We’re good friends,” lahad pa ni Sheryl.
Ibinulgar din ni Sheryl na naging sila ulit ni Anjo nang bumalik siya sa Pilipinas matapos nilang maghiwalay ng asawang si Norman Bustos.
Kumbaga, ipinagpatuloy daw nila ni Anjo ang naudlot nilang pagmamahalan.
Pero that time raw ay hiwalay na rin si Anjo sa asawa niyang si Jacqui Manzano.
Hindi rin naman daw nagtagal ang relasyon nila at nagkahiwalay rin kalaunan sina Sheryl at Anjo.
Saad ni Sheryl, “And it’s actually amazing because by time I went back here, sa Philippines, I myself got separated and divorced.
Samantala, hindi nabanggit ni Sheryl sina Rominick Sarmenta at Dennis Da Silva sa mga naging karelasyon niya.
Nakalimutan kaya niya o talagang purely pang loveteam ang relasyon niya sa dalawa, huh!
***
PARA kay Gary Estrada ay hindi hamak na mas matindi at mas marumi raw ang mundo ng pulitika kung ikukumpara sa showbiz.
Matandaang isa si Gary sa mga artistang nag ambisyon na maging showbiz politician.
Naging provincial board member noon at tumakbo ring vice mayor. Pero mas maraming beses natalo si Gary kaysa nanalo, huh!
Ayon kay Gary, mas grabe raw ang intriga sa pulitika, talagang hindi mo kakayanin kung mahina-hina ang loob mo at wala talaga sa puso mo ang paglilingkod sa tao.
“Ang pagkakaiba nila kung ito lang ang intriga sa pag-aartista, doon sa pulitika babaliktad talaga ang sikmura mo. Ganu’n siya kadumi,” sey pa ni Gary.
“At the end of the day, kahit anong gawing mong maganda, meron at meron…kulang pa rin.”
Pero seryoso pa ring pahayag ni Gary.
Agad namang nilinaw ng Kapuso actor na hindi iyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang kalimutan na ang pulitika.
“No. I guess it’s not the right time,” dagdag pa ni Gary.
Kung babalikan pa niya ang mundo ng pulitika at walang deretsahang sagot mula kay Gary, huh!
Sa ngayon, happy naman daw si Gary sa piling ng kanyang asawang si Bernadette at tatlong anak na puro girls – sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina, huh!