Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INIHAYAG ng pamosong celebrity psychic, broadcast journalist at pianist na si Nick Nañgit kung ano ang mga pasabog na dapat abangan sa kanyang nalalapit na pinabongga at pinaganda na Timeless 2.
Isa kasi sa inaabangan sa show nito ay ang kanyang susuutin sa mismong Timeless 2. Ayon kay Nick sa aming convo sa messenger, “Alam mo Jovi, international designer ang gagawa ng susuotin ko, may willing din na suotan din ako ng hinabi ng mga katutubo natin, gusto ko rin yun, kaya lang baka mahirap mag-costume change dahil dere-deretso ang program, walang intermission. Pero abangan na lang nila,” sey pa ng pamosong Worldclass pianist
At ano nga ba ang kaabang abang dito sa Timeless 2?
“Lahat kaabang-abang, kasi may 11 piyesa na Philippine premiere. Ibig sabihin first time na mapapakinggan sa Pilipinas, at ito’y mga nilikha pa ng mga dayuhan, lalo na yung mga Filipino folk songs na pang concert level.
“Tapos, may dalawang world premiere, ibig namang sabihin first time tutugtugin sa buong mundo, kinomisyon ko ang dalawang piyesang yan, ang isa ay hango sa isang TV series, ang isa naman ay mash-up ng dalawang sikat na OPM”, tugon pa ni Nick.
“At isa pa, makakasama ko rin ang mga world-class artists at multi-awarded choir.
“Yung isang tenor ay kumanta na sa iba’t ibang opera sa abroad, yung isang soprano ay nag-aral pa sa Paris Conservatory, yung isang female R&B singer at isang male millennial singer ay for the first time kakanta ng mga Filipino classics, ganun din ang challenge sa isang male singer na kakanta for the first time ng acoustic music, hindi videoke, at ibang wika pa, saan ka pa?” Pagtatapos na pahayag ni Nick sa nalalapit na Timelese 2.
Bonggacious!
Abangan mga kabunganga at mga Nickters at Nickters Angels na sina Ate Blessie, Fava at inyong lingkod.
See yah!
***
Willie Revillame nagpakatotoo, ‘di raw marunong mag-Ingles kaya ayaw sumabak sa pulitika
SA isang Tiktok video upload ay trending ang sinabing kadahilanan ni Willie Revillame kung bakit ayaw niyang sumabak sa pulitika at tumakbo sa pagka-Senador.
Inamin ng tatay ni Meryl Soriano na hindi ito marunong mag-Ingles.
Baka nga raw laitin siya ng mahuhusay nating Senador.
Kungdi naman daw ay wala siyang iaambag na batas dahil wala nga siyang kaalaman.
Dahil sa walang kaalaman ay di na lang nito pinagpilitan ang kagustuhan ng netizens na subukan niya ang pulitika.
Sa pagiging totoo or real talk ni Willie, pinuri siya ng netizens sa desisyon na huwag nang makihalubilo sa magulong mundo ng pulitika.
Sa tinuran ni Willie, natamaan kaya ang ilang artista na mga Senador na ngayon?
Well, well, well… ‘Yun na!