Advertisers

Advertisers

Alas Pilipinas winalis ang Chinese Taipei

0 2

Advertisers

WINALIS ng Alas Pilipinas ang Chinese Taipei, 25-13,25-21,25-18, upang mangibabaw sa Pool A ng AVC Challenge Cup for Woman Linggo sa Rizal Memorial Colesium.

Dahil sa panalo, kinumpleto ng Philippine national volleyball team ang sweep sa kanilang grupo kabilang ang panalo kontra Australia, India, at Iran.

Ang Pilipinas ay abante sa 4-7 bago nangyari ang 7-0 run para hawakan ng nationals ang 10-point lead bago maagaw ang ikaapat na panalo sa paligsahan.



Eya Laure umiskor ng 15 points, 12 attacks,two aces, at block, habang si Vanie Gandler nagdagdag ng 12 points para sa Alas Pilipinas.

Makakasama ng Australia ang Pilipinas sa semifinals na second best team sa grupo na may 3 panalo at isang talo.

Makakaharap ng Pilipinas ang Kazakhstan sa semifinals Martes,habang ang Australia sasagupain ang Vietnam.