Advertisers

Advertisers

Malabuyo, Ruivivar humakot ng medalya sa Asian Championships

0 2

Advertisers

HUMAKOT ng medalya sina Paris-bound Emma Malabuyo at Levi Ruivivar sa 2024 Asian Gymnastics Union Senior Women’s Asian Championship Linggo sa Uzbekistan.

Nagwagi si Malabuyo ng gold medal sa floor exercise sa iniskor na 13,300 upang pagharian ang nasabing event, habang ang China’s Xinyi Chen (13.133) at Aida Bauyrzhanova ng Kazakhstan (13.066) nagtapos third at fourth, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang kanyang pangalawang medalya sa kumpetisyon na nag third place sa individual all-around event na nag book sa kanya sa Paris Olympics.



Samantala, si Levi Ruivivar, nasungkit ang bronze medal sa uneven bars na umiskor ng 13.100 sa likuran ng China’s Yang Fanyuwei na may 14.566 at Jon Jang Mi ng North Korea na may 13.366.

Sa men’s division, Carlos Yulo nagwagi ng 4 gold medals sa tournament nakaraang Linggo. Ang kanyang kapatid Karl Eldrew Yulo nagwagi rin ng ginto sa junior division.