Advertisers

Advertisers

Doncic, Irving pinamunuan ang Mavs sa 3-0 lead vs Timberwolves

0 4

Advertisers

UMISKOR sina Luka Doncic at Kyrie Irving ng pinagsamang 66 points upang tulungan ang Dallas na ipinta ang 116-107 wagi laban sa Minnesota Timberwolves Linggo (Lunes Manila time) na nagbigay sa Mavericks ng 3-0 lead sa kanilang NBA Western Conference final.

May tsansa ang Mavericks na maangkin ang kanilang unang series sa Game 4 Huwebes (Biyernes sa Manila).

Walang team na nagrally mula sa 3-0 down para magtagumpay sa NBA playoff series, pero sinabi ni Doncic na hindi puwede mag kampante.



“We need one more,” anya. “They have an amazing team, so nothing’s done.”

Doncic at Irving ay nagtapos ng tig-33 points, Doncic nagdagdag ng seven rebounds at five assists habang si Irving nag prodyus ng 14 sa kanyang puntos sa fourth quarter.

P.J Washington umiskor ng 16 points, nagtarak ng 3-pointer para ilagay ang Dallas sa 107-104, sa 3.38 nalalabi sa laro.

Anthony Edwards pinamunuan ang opensa ng Minnesota sa iniskor na 26 points.

Ang magtagumpay sa series ay makakaharap alinman sa Boston Celtics or Indiana Pacers sa NBA Finals.



Ang Celtics, winners ng league-best 64 games sa regular season, ay 3-0 lead bago ang Game 4 ng kanilang Eastern Conference final sa Indianapolis Lunes(Martes sa Manila)