Advertisers
Sino si Raniel at Patrick na bata-bata ni Col. Panay at Maj. Mahinay, Gen.Jose Hidalgo Jr., Sir?
FYI lang Gen. Hidalgo, sir! Kaladkad at bentang benta ang pangalan mo na kasosyo sa lahat ng iligal activities sa Region 3.
Pinagmamalaki ng dalawang kupal na si Raniel at Patrick na kasosyo ka umano sa lahat ng mga sugalan sa Region 3, gaya nga ng walang kakupas- kupas na mga pergalan sa AOR mo sir.
Fifty-fifty (50/50) umano ang laban sa kita bukod pa ang timbre at sagot pa umano ang huli ng mga tarantado na sinasabi umanong ikaw mismo ang nag-endorso kay Col. Panay at Major Mahinay ng CIDG Region 3 at SOU.
Ang mga opisyal na ito ng CIDG Region 3 at SOU ang mga binabandera ng dalawang kupal kaya nakakapasok sa pagiging kasosyong laway sa mga pergalan sa Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Zambales at Bataan.
Sila rin ang may hawak ng mga paihi, pabuga, pasingaw at mga saklaan sa nasabing area.
Ang masakit dito, mga nagpapakilalang mga pulis, pero mga peryante ang mga ito na dumudungis at sumisira sa imahe ng kapulisan.
Kaya malakas ang loob na gamitin at ipangalandakan ka Gen.Hidalgo dahil mga wala namang iniingatang pangalan at uniporme ang mga tarantado.
Mga bagamundong nilalang na palaboy at pang- alay ika nga.
Nakakatakot ang dalawang ito Gen.
Hidalgo sir, dahil ikaw daw mismo ang nagpatubo ng sungay at pangil.
Baka makaramdam ng gutom eh pati mga heinous crimes ay pasukin diyan sa AOR mo gaya ng bank robberies,carnapping,kidnapping at droga.
Ngayon palang sana Gen.Hidaldo ay irampan mo na nang di na patuloy na nagkalat ng lagim.
Maingay at maligalig ang mga asong kalye mong ito Gen.Hidaldo sir.
Malamang sa hindi,maindulto itong sina Raniel at Patrick na kapwa ipinaglihi sa pera.
Pangalan mo Gen. Hidalgo ang tiyak na aalingasaw!
Bakit naman kaya nagpapagamit din itong sina Col.Panay at Maj. Mahinay sa kawalanghiyaan nina Raniel at Patrick?
Dahil ba sa namamantikaan din ng payola?
Hay naku!
Kayo dyan sa Region 3 Police Command konting pino naman!
Di porket mga sibilyang kupal ang gamit nyong bagmen,di na sasabit ang inyong mga pangalan.
Ano kayo sinusuwerte?
Yan ay kung may pagpapahalaga nga kayo sa tsapa at uniporme nyo!
Wala ng bobong Pinoy ngayon!
At lalong di tolongges si PNP chief,Gen.Rommel Marbil para mapaikutan nyo!
Paging PNP IMEG at IAS sa isyung ito dyan sa PNP Region 3.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com