Advertisers

Advertisers

MAHAL NG KANYANG MGA CONSTITUENTS SA BAMBAN, TARLAC SI MAYOR ALICE GUO

0 7

Advertisers

Mahal ng kanyang mga constituents sa Bamban, Tarlac ang kanilang incumvent Mayor na si Alice Guo.

No questions asked, no doubt about it na talagang love na love ng mga residente ng Bamban, Tarlac si Mayor Guo.

Sa kabi-kabilang batikos ng Senado sa nasabing Alkalde, mararamdaman pa rin ang suporta at malasakit ng mga mamamayan sa kanya.



Maliban sa mga magsasaka at iba pang residente na karamihan ay nasa hanay ng mahihirap, silang lahat ay handang ipaglaban ang kanilang Mayora through thick and thin.

Ultimo mo nga mga native na Aeta na naninirahan sa mga bulubundukin ng Bamban ay nagpakita rin ng suporta at nagsabi pang handa silang bumaba ng bundok upang ipakita kay Mayor Guo ang kanilang suporta.

Sa simpleng salita, mahal ng mga tao itong si Mayora at siguradong gusto rin ng mga ito ang kanyang naging pamamalakad sa nasabing munisipalidad.

Sa kabi-kabilang batikos ng Senado sa Senate Hearing na pinamumunuan ni Senador Riza Hontiveros, malakas pa rin ang kanilang pananampalataya kay Guo.

Ilan sa mga kuwestiyonableng isyung binabato kay Guo ay ang kanyang Citizenship, ang kanyang implikasyon at kinalaman sa POGO, saan galing ang kanyang yaman at higit sa lahat ay isa daw siyang espiya para sa Communist China.



Matindi ang ganitong klaseng mga akusasyon na hanggang sa pribadong buhay niya ay nakakalkal.

Tulad ng sino ang talagang tatay niya, sino ang mga kapatid niya, saan mga paaralan siya nagtapos hanggang sa INA niyang inamin niyang isang dating kasambahay lang nila.

Hindi basta-basta ang ganitong klaseng mga kwestiyon at akusasyon lalo na’t ikaw ay isang elected public official ng bansa, di po ba?

Kung sa bagay ay may punto rin ang butihing Senadora Hontiveros at mga senador dahil isang mabigat na krimen maski na saang bansa ang espionage. ITo ay threat to national security.

Sa isang banda ay talagang kwestiyonable naman na kung bakit puro mga Intsik ang kanyang mag kasosyo sa kanyang multi-million peso business na nagsimula lang sa piggery hanggang sa POGO enterprise.

HIndi lang basta mga Intsik dahil sa ang kanyang mga kasosyo ay sinasabing mga fugitive at subject for manhunt.

Sinasabi rin na ang lahat ng kanyang mga naging ka-sosyo ay mula sa FUJIAN , isang siyudad sa Communist China na binansagan Fujian Gang.

Sa kabila ng mga tanong at batikos kay Guo, nanatiling kalmado ito mula umpisa hanggang sa kasalukuyan. Hindi ito nag-alsa ng kanyang boses o’nag-react maski minsan.

Mahaba-haba pang panahon siguro ang gugugulin ng Senado para makakuha ng konkretong katugunan kung kaya’t hindi rin ganon kadali upang maresolba ito.

Ang tanging masasabi lang natin ay pare-parehong may mga punto ang Mayora ganon din ang mga Senador kung kaya’t wait,watch and listen lang tayo.

May tinanim din naman sigurong mabuti maski papaano si Guo sa Bamban, Tarlac kaya ganon na lamang ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga constituents.

KUng sakaling napatunayan naman na siya ay nag-kasala at totoo ang mga pinaparatang sa kanya, meron pa rin siguro siyang maiiwanang legacy sa munisipalidad ng Bamban, Tarlac na kung saan siya nagsilbing Alkalde.

Makulong o’ mapabalik man siya sa kanyang pinagmulan, siguradong mami-MISS pa rin siya.