Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng opisyal ng LTO arestado

0 26

Advertisers

Nalutas na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpaslang kay Land Transportation Office (LTO) Registration Division Chief Mercedita Gutierrez nitong Mayo 25, 2024 nang maaresto ang salarin sa isinagawang follow-up operation.



Kinumpirma ni Department Of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang pagkakalutas ng kaso sa isang pulong balitaan nitong Lunes ng umaga sa isang isinagawang aktibidad ng Bureau Of Fire Protection (BFP) kung saan siya ang pangunahing pangdangal.

Ayon sa kalihim, positibo nang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunaun ni District Director, P/Brig. Gen. Redrico Maranan ang salarin na nakilala lamang sa alyas Danny.

Ang pagkakakaaresto ng suspek, bunga na rin ng binuong Special Investigation Task Group Gutierrez ng QCPD na pinamunuan ni Acting District Director, P/Col. Amante Daro.

Nadakip ang salarin sa loob lamang ng 24-oras matapos na naganap ang krimen at natunton ito dahil sa nalaglag niyang belt bag, impormasyon ng ginamit na motorsiklo tulad ng OR at CR, mga kuha sa CCTV at salaysay ng apat na saksi.

Samantala, ayon sa pulisya hindi pa tukoy ang motibo sa pagpaslang pero nagsasagawa na ang pulisya ng background check sa suspek habang hindi naman inaalis ang anggulo kung ang krimen may kinalaman sa trabaho ng biktima o kung may nag-utos sa suspek, o personal na galit.

Matatandaang pinagbabaril si Gutierrez sa loob ng kanyang sasakyan sa kanto ng K-H Street at Kamias Road, Barangay Pinyahan, QC noong Biyernes, 6:20 ng gabi ng Mayo 25, 2024.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang patay na ng attending physician.(Almar Danguilan)