Advertisers

Advertisers

2 battalions ng SAF inilagay sa Davao, bakit kaya?

0 26

Advertisers

DALAWANG battalions ng Special Action Force (SAF), ang elite force ng Philippine National Police, ang ipinadala sa Davao City Police Office matapos sipain sa puwesto ang 40 opisyal dito dahil daw sa pagsunod sa utos ni Mayor “Baste” Duterte na ipatupad ang giyera kontra droga kungsaan pito katao na ang pinaslang.

Pero sa tingin ko ay may mas malaking dahilan ang pag-alis sa puwesto sa naturang mga opisyal ng DCPO, at pagtalaga sa dalawang batallions ng SAF sa lungsod ni dating Pangulo Rody Duterte.

Sa tingin ko, kaya pinadala sa Davao City ang mga tropa ng SAF ay dahil sa mga banta ng pag-aalsa laban sa Marcos administration.



Kung hindi man ito ang rason ng pagtalaga sa malaking bilang ng SAF sa Davao City, maaring para sa pagtugis sa puganteng si Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus is Lord na wanted sa maraming kasong kriminal sa Pilipinas at sa Amerika.

Posible ring preparasyon ito para sa umano’y nakatakdang paglabas ng arrest warrant ng International Criminal Court laban kay ex-Pres. Duterte at sa ilang dati niyang opisyal na nagtatago na sa Davao City.

Matatandaan na inanunsyo ni dating Senador Antonio Trillanes, na base sa kanyang A1 information ay lalabas ang arrest warrant ng ICC laban kina Duterte sa Hunyo o Hulyo ng taon.

Oo nga pala, bakit hindi na yata natin nakikita o naririnig nagsasalita sa publiko si Digong? Okey pa kaya siya?

Nakakapanibago lang kasi… na ang maingay na dating pangulo ay biglang tumahimik nang maramdamang maiisyuhan na siya ng arrest warrant ng ICC.



Pero teka…may kasabihan na kapag tahimik ay delikado. Hmmm… Baka ito ang rason kaya sinibak sa puwesto ang 40 opisyal ng DCPO at inilagay rito ang santambak na SAF?

Manmanan…

***

KUNG sino mang demonyong kolektor ang nagsama sa pangalan ko para ipangolektong sa mga iligalista sa Cavite ay wala po akong kinalaman dyan. Zero po ako sa talamak na mga iligal na sugal dyan sa probinsiya ni Gov. Jonvic Remulla

Huwag ninyong isasama ang pangalan ko sa mga ipinangongolekta ninyo sa mga saklaan ni “Hero”. Animal!

Yang mga iligal na sugal ni Hero, na isa rin umanong tulak ng mga iligal na droga, ay nakakalat sa mga bayan ng Amadeo, Maragondon, Novelita, Magallanes, Bailen, Dasma, Naic, Bacoor at Cavite City mismo.

Itong mga sugal na ito ay hindi mag-e-exist kung walang bendisyon ng hepe ng pulisya at mayor sa bawat bayan o lungsod. Pero wala akong pakialam sa mga kolektong ninyo, ‘wag n’yo lang isama ang pangalan ko mga iniikutan ninyong mga iligalista. Fuck!

***

Pinaghahanda ang lahat sa pagpasok ng La Nina, mas matinding perwesyo ang idudulot nito kesa El Nino. Opo!