Advertisers

Advertisers

Andrea ‘di paniwala na walang 3rd party sa break-up kay Derek

0 235

Advertisers

NI GERRY OCAMPO

NAGKATOTOO na ang paalala ng mga netizen kay Andrea Torres na hindi magiging  matagalan  ang pagmamahalan nila ni Derek Ramsay.

Diumano  ay hindi  nagtatagal ang nakakarelasyon ni Derek dahil kinakalasan  ito ng actor kapag nagsawa na raw.



Pero mayroon din naman nagtatanggol sa actor. Baka raw  napagtanto  ng dalawang panig na hindi sila magkakasundo sa bandang huli  kaya  nauuwi  sa  break-up.

Sa una ay ayaw magbigay ng pahayag ng dalawa kung ano nga ba talaga  ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Hanggang  sa magbigay na rin ng pahayag si Andrea matapos na magsalita si Derek para kumpirmahin na hiwalay na nga sila ng actress.

Sa  ibinigay  na pahayag ni Andrea sa GMANetwork.com,  hindi  sinang-ayunan  ni Andrea ang naging pahayag ni Derek na walang third party  sa break-up nila.

“Yes, Derek  and  I  are no  longer  together. I`d  rather  keep  the  details  private  as I  want  to give the  breakup the same amount  of  respect   that  I  had  for the  relationship.



“I  think  you  all  know  how  much  it  meant to me. I  hope  you  understand  I  will  always   wish  him  and  the  his  family  well,” pahayag  ni Andrea.

Hindi  man  sabihin o aminin ni Andrea na sobrang sakit ang kanyang  nadarama sa ngayon ay mistulang  damang-dama naman ng kanyang mga supporter  at followers  ang kirot na nadama nito sa break-up.

Dalangin  ng mga nagmamahal  kay Andrea na one day ay makatagpo rin ito ng tunay na lalaking wagas na magmamahal sa kanya.

Baka nga raw blessing pa sa actress ang nangyari dahil hanggang maaga  ay napagtanto na hindi sila para sa isa`t isa. Mas masakit  nangyari  ang  kanilang break-up  kung kasal  na sila at mayroon nang anak.

Hindi  rin  magtataka  at magugulat  ang mga followers ni Andrea na  balang  araw  ay  makakatagpo  rin daw ng katapat ang actor.