Advertisers

Advertisers

John Rendez balik-recording ngayong New Normal

0 241

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SINCE magkaroon ng pandemya ay natengga na sa condo sa Eastwood ang rapper-singer na si John Rendez.

Pero kahit bored dahil walang ginagawa ay happy si John at naging katuwang siya ni Nora Aunor sa relief goods na kanilang ipinamahagi sa ilang mga kababayan kasama na ang ilang showbiz writers na naayudahan ni Ate Guy.



Ngayong New Normal, gaya ni Ate Guy na nakapag-lock in taping na para sa teleserye sa GMA7 na “Bilangin Ang Bituin Sa Langit,” ay balik recording naman si John ng kanyang 3rd single sa Star Music entitled “I’m Not Superman.”

Sa Purple Room Recording Studio siya nag-record kasama ang top executive and composer ng Star Music na si Mr. Jonathan Manalo. I’m sure tulad ng kanyang first single sa Star Music na “Start All Over Again” ay may potential ding mag-hit ang third single ni John na ang sound ay  foreign artist.

Pero isa sa nami-miss namin kay John ay yung acting career nito, sana magbalik pelikula siya o  teleserye.

***

Kilalang Radio Commentator At Hard-Hitting Columnist Ka Rex Cayanong Nasa DZME Na



Masaya kami sa narating ng aming kumpareng si Ka Rex Cayanong na kilala sa Internet world dahil sa matapang na show na “Target On Air” na ilang taon na sa ere, na kanyang produced.

At hindi basta-bastang mga pulitiko ang mga naging guests ni Ka Rex sa programa, talagang malalaking pangalan sila. Dahil sa sikat at respetado ng kanyang manonood , dapat ay tatanggap ng Parangal ngayong buwan si Ka Rex sa isang matagal nang award-giving body bilang “Best Internet Radio Commentator of the Year,” pero dahil via Zoom ay ipinagliban na muna ito ng aming kumpare dahil mas maganda nga naman kung personal mong tanggapin ang iyong award.

Sa supporters ng nasabing broadcaster ay mapapakinggan na rin siya Lunes hanggang Biyernes sa “Target On Air” sa DZME(1530) sa inyong AM Radio Dial. Si former Senator Bongbong Marcos ang recent guest nito, at kanilang napag-usapan ang napipinto nitong pagtakbo muli sa National Election sa 2024.

***

Kwentong Eat Bulaga, May Katapat Na Premyo Mula Sa Nescafe Original

Sa mga DABARKADS sa buong bansa, simulan na ang pag-share ng inyong kwentong Eat Bulaga na pwedeng ibase sa panonood niyo sa inyong tahanan o sa mga naka-experience nang makapanood nang live sa Eat Bulaga sa Broadway Centrum at ngayo’y sa APT Studios. Sa inyong kwentong Bulaga ay magkakaroon ng chance na makatanggap ng magandang regalo mula sa Nescafe Original.

I-post lang ang inyong photos at kwento sa FACEBOOK AT INSTAGRAM at gamitin ang Hashtag na #KwentongEatBulaga.

Malay mo ikaw na ang susunod na pwedeng manalo rito kaya umpisahan na ang paglalahad ng inyong Istoryang Eat Bulaga.