Advertisers
PINAKAMAGANDANG magagawa ni Vaccine Czar Carlito Galvez ang ganap na ipagbawal ang mga pulitiko sa bakunang bayan kontra Covid-19. Huwag papapelin ang mga pulitiko. Huwag silang palalapitin. Gawing off limit ang mga pulitiko sa bakunang bayan kontra Covid-19.
Hindi dapat bigyan ng papel ang mga senador, kongresista, gobernador, bise-gobernador, bokal, alkalde, bise-alkalde, konsehal, at maski ang kanilang mga kaanak sa bakunang bayan. Hayaan ni Galvez na kumilos ang mga barangay, health organization ng civil society, manggagawa ng gobyerno at pribadong sektor, at international community.
Hindi dapat ihalo ang pulitika sa bakunang bayan. Gagamitin ng mga pulitiko ang bakunang bayan upang paboran ang kanilang kandidato at political career sa halalang pampanguluhan sa 2022. Hindi magiging maayos ang pagpapatupad g bakunang bayan kapag nakialam ang mga pulitiko. Baka mawala pa ang pambili ng bakuna.
Hindi dapat pansinin ang mungkahi ni Rodrigo Duterte na gamitin ang mga estasyon ng pulis sa pagbibigay ng bakuna. Walang naiintindihan si Duterte at ang mga pulis sa bakuna. Maiging ibigay ang trabaho sa mga health worker. Sila ang mas nakakaunawa at may kakayahan.
Maliban sa usapin ng pulitika, pinakamaganda na gumawa ng hakbang si Galvez upang hindi maging monopolyo ng China ang supply ng bakuna. Hindi dapat China ang magharii sa bakunang bayan. Mahirap unawain na sa China manggagaling ang bakuna gayong sa China rin nanggaling ang mapanganib na virus. Dinala ng mga turistang Intsik ang virus sa Filipinas.
Hindi dapat maging monopolyo ng China ang supply ng bakuna. May lumabas na balita sa New York Times tungkol sa eksperimento sa bakuna sa India, isang bansa na may halos kasinglaki ng populasyon ng China. Maiging pag-aralan ng grupo ni Galvez kung maaaring umangkat ang Filipinas ng bakuna mula sa India.
***
MAGTUTUNGGALI sa Biyernes ang dalawang pangkal ng mga sports leader para sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC). Makakaharap ni Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng POC, si Clint Aranas at ang pangkat ng mga sports leader na hindi natutuwa sa liderato ni Bambol. Ihahalal ng mga lider ng 52 national sports association (NSAs) na bumubuo sa POC ang mga lider na magpapatakbo ng POC sa susunod na apat na taon.
Walang hangad si Aranas at Steve Hontiveros, kasalukuyang POC chair, kundi maging maayos at malinis ang pagpapatakbo ng POC, ang affiliate ng International Olympic Committee (IOC) sa pagdedesisyon sa pagsali ng mga atletang Filipino sa mga pandaigdigang palaro. Masyadong nasalaula ang palakasan sa bansa. Sapagkat mga pulitiko ang namumuno sa palakasan, totoong dinala nila ang kultura ng korapsyon sa malaking bahagi ng palakasan sa bansa.
Masyado ang korapsiyon sa 2019 SEA Games. Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, Nagpanggap si Vince Dizon, chair ng BCDA, na isang joint venture sa pagitan ng BDCDA at BT Berhad, isang kumpanyang Malaysian na developer, ang paggawa ng New Clark Stadium sa Capas, Tarlac. Ginawa ang panlilinlang upang makalusot sa itinatadhang public bidding.
Nakautang ng P9.5 bilyon ang grupo ni Dizon mula sa Development Bank of the Philippines (DBP), ani Risa Hontiveros. Kung paano nautang ang malaking halaga ay isang malaking himala sapagkat inabot lamang sa tatlong linggo at bumaba na agad ang approval, ani Risa. Hindi malinaw kung ano ang pagkikitaan ng stadium. Hindi malinaw ang cash flow. Walang malinaw na paraan kung paano mababayaran ang utang. Hindi naisumite ni Dizon ang mga dokumento.
Hindi lang iyan. Umabot sa lampas P6 bilyon ang ginugol sa 11- araw na palaro. Obligado ang Philippine Southeasta Asian Games Governing Committee, o Phisgoc, ang foundation na itinayo ng grupo ni Cayetano upang patakbuhin ang 2019 SEAG, na isumite pagkalipas ng anim na linggo ang isang audited financial report tungkol sa gastos sa palaro. Inabot ng halos sampung buwan ang pagkakakabalam ng pagsusumite ng financial report.
Si Bambol T. ang nagbigay ng proteksyon kay Cayetano upang hindi maisumite ang financial report. Nagbulag-bulagan. Nagbingi-bingian. Naging pipi sa mga batikos. Kinandili niya si Cayetano na pinaghinalaan na kumulimbat sa salapi ng bayan. Bilang pangulo ng POC, hindi inobliga ni Bambol T. ang Phisgoc na isumite ang financial report.
Alam ni Bambol T. na gagamitin kay Cayetano ang financial report. Mahaharap sa salang pandarambong si Bambol. Ito ang basehan ng kanyang muling pagtakbo bilang pinuno ng POC. Gusto niyang ituloy ang pagbibigay ng proteksyon kay Cayetano. Magtagumpay kaya siya?
May mga narinig kaming ulat na mukhang hindi makukuha ng grupo ni Bambol T. ang sapat na bilang upang manatili sa puwesto. Mukhang bistado ang laro ni Bambol. Ayaw ng mas malaking bilang ng mga sports leader na maging bahagi ng isang malaking kalokohan. Hindi natin alam ang endgame ng halalan sa POC ngunit mabibigat na paratang kay Bambol T. at mga kasama.
***
SA wakas, nag-umpisa na ang transition sa Estados. Ito ang tahimik na proseso ng pagsasalin ng kapangyarihan sa bansa. Isa lang ang ibig sabihin. Talo si Donald Trump at uupong pangulo si Joe Biden umpisa sa ika-20 ng Enero sa susunod na taon. Makulit lang si Trump pero bibigay siya sa pagsasalin ng poder. Wala siyang magagawa.
Inaasahan ang pagbabago sa relasyon ng Filipinas at Estados Unidos. May inaprubahang resolusyon sa Senado ng Estados Unidos na humihinging palayain sa pagkakakulong si Leila de Lima. Kung hindi palalayain, gumawa ng karampatang hakbang upang ipakita ang poder ng Estados Unidos. Alam nina Duterte iyan at alam nila na hindi sila bibiruin ng Amerika. Alam niya na mabaho siya sa pangkat ng mga Demokrata sa Amerika.
***
MAY press statement ang Pambansang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan (PKSK) tungol sa Bulacan Aerotropolis. Ayon sa PKSK, banta ito sa kalikasan at kabuhayan. Aniya:
The so-called “Aerotropolis,” the massive airport city complex to be constructed bySan Miguel Holdings Corporation in Brgys. Taliptip and Bambang in Bulacan, Bulacan. will affect 2,372 fishpond areas along Manila Bay to be reclaimed for constructing runways and other facilities.
PKSK is concerned that the Bulacan Aerotropolis is not even compliant with environmental laws and regulations. It poses potentially serious environmental impact on the biodiversity of Manila Bay. On the other hand, the project has yet to address the impact of displacing fisherfolk communities dependent on the targeted reclaimed areas.
PKSK deems it imperative that environmental regulations should be strictly enforced, and calls on the DENR to stand by its mandate of protecting the environment and strictly enforce our environmental laws.