Advertisers

Advertisers

Maitim na balak

0 763

Advertisers

NGAYON, masisilip natin ang maitim na balak ni Rodrigo Duterte. Gagamitin niya ang programang bakuna kontra Covid-19 upang pabanguhin ang kanyang nanlilimahid na gobyerno. Walang ginawa ang gobyerno upang mapigil at masugpo ang mapinsalang Covid-19 na dinala sa bansa ng mga Chinese. Gumawa ng gimik upang mabawasan ang kasalanan sa bayan?

Hindi ininsulto ni Duterte si Bise Presidente Leni Robredo sa TV noong Lunes ng gabi. Walang epekto ang mga sasabihin niya tungkol sa Bise Presidente. Hahaba lang ang pila sa Office of the Vice President sa Quezon City. Lalaki lang mga donasyon sa proyekto ni Leni. Dahil sa mas bumabango ang Pangalawang Pangulo sa tuwing babakbakan niya ito. Patunay na hindi siya sineseryoso sa mga sinasabi niya tungkol sa Pangalawang Pangulo.

May sinabi siya sa isang bagay na wala pa sa bansa: ang bakuna kontra Covid-19. Sinabi niya ang kanyang gusto kapag dumating ito sa bansa. Inihahanda niya ang bansa sa kanyang nais kahit kasalukuyan pang tinutuklas ang bakuna. Malaki ang pondo na manggagaling sa kaban ng bayan para sa bakuna. Matindi ang tukso sa korapsyon.



Nais ni Duterte na ibigay agad ang bakuna sa mga sundalo at pulis kapag dumating ito sa bansa sa susunod na taon. “I need a healthy military and police. They are the errand boys of the Republic,” sabi ni Duterte. Napailing ang mamamahayag na si Jason Philip Gutierrez sapagkat mukhang alila ang trato niya sa mga sundalo at pulis. Ani Jason: ”Nope, they swore to help and protect. They are not your policemen and soldiers. But rather the Republic’s.”

Walang sinabi si Duterte tungkol sa mga frontline health worker na sumasagupa sa mapanganib na virus dahil sila ang mga gumagamot sa mga pasyente ng virus. Wala siyang sinabi tungkol sa libu-libong doktor, nars, medical technologist, lab technician, orderly, and ibang manggagawang medikal. Mukhang gumaganti si Duterte sapagkat nagreklamo sila apat na buwan ang nakalipas sa kawalan ng pahinga mula sa kanilang maselan na gawain. Hindi pinansin ni Duterte ang kanilang reklamo. Galit siya dahil naunang lumabas sa media ang kanilang hinaing.

Naunang sinabi Vaccine Czar Carlito Galvez na mauunang babakunahan ang mga frontline medical worker; susunod ang mga essential worker na nagtratrabaho para bumangon ang pambansang ekonomiya, at ang vulnerable sector na kinabibilangan ng mga senior citizen, PWD, at mga mahihirap. Bakunahan ang 50 milyon Filipino sa unang dalawang taon – 25-M sa 2021 at 25-M sa 2022.

MABANGIS pa sa asong ulol ang mga troll ni Duterte sa pag-aalipusta kay Leni sa pagtulong sa mga binagyo sa Cagayan at Isabela sa hilaga at Albay, Catanduanes, Camarines Sur, at Sorsogon sa Bikol. Bumubula sa galit ang mga bibig dahil sa walang tigil na paglalabas ng OVP sa social media ng mga larawan ng abalang Bise Presidente. Kabaligtaran ito ni Duterte.

May kuha rin naman larawan si Duterte pero hindi iyong gumaganap ng tungkulin. May kuha itong natutulog sa kulambo, kumamakain sa pipitsuging karinderya, nakataas ang paa sa mesa at iba pang kagaguhan. Tutol si Cesar Pascual sa mungkahi itigil ni Leni ang pagpapalabas ng mga larawan. Narito and kanyang paliwanag:



SHOULD LENI STOP POSTING
PICTURES OF HER RELIEF WORK?

Some critics have lambasted Leni Robredo for making public her good deeds. They say publishing pictures of her good deeds smacks of insincerity and that she is doing it only to boost her political stock.

Wrong.

Researchers now say that if you are doing something good, you should make it public. According to Robert Cialdini, for example, you can influence others to copy your good deeds if you make them public. This is the concept of SOCIAL PROOF, a term Cialdini coined in 1984. Leni can influence others to help calamity victims if she publishes her own relief activities.

The social proof concept says people copy the actions of others in an attempt to undertake behavior in a given situation. It is one of Cialdini’s six principles of persuasion—along with reciprocity, commitment, authority, liking, and scarcity. The social proof principle maintains that “people are especially likely to perform certain actions if they can relate to the people who performed the same actions before them.” This explains why people donate when they learn that many others have donated before them.

By publishing the pictures of the donations that she has received, Leni has inspired others to make their own donations. This is why the lines of cars carrying donations for Leni’s calamity efforts have become longer. This is also the reason why the cash donations for Leni’s relief work have reached more than P55 million.

Those who slam Leni for posting pictures of her relief work may just be worried over her rising political stock. Leni should totally ignore them.

***

GINANAP noong Lunes sa Davao City ang pulong ng Gabinete ni Duterte. Masyadong magastos at maluho. Hindi namin alam kung ano ang gustong patunayan ni Duterte. Narito ang sinabi ng mamamahayag na si Ricardo Dalisay, aka Manny Mogato, sa isang post sa social media:

“Rehash statements, School bus ng Cabinet members para sa field trip sa Davao. President Rodrigo Duterte, for the nth time, wasted time and money on his late night public broadcast na laging delayed dahil sa editing. Narinig na po namin lahat ang sinasabi niyo, wala po bang bago, matatapos na ang termino, droga pa rin ang diskurso, may pandemic na bakuna lang inaantay at puro pangako pa rin. Di bale, lagi naman may field trip sa Davao ang mga Gabinete, sumasakay sa bagong eroplano ng Air Force. Magastos ang school bus ng mga opisyal para sa isang meeting. Puwede naman sa zoom na lang at may social dstancing pa.”

***

MAY magandang sagutan sa social media ang dalawang kaibigan, Ding Velasco at Philip Lustre Jr. Ani Ding: “Almost 17,000 Health workers still haven’t received their promised Hazard Pay from the start of this Pandemic and no Budgetary Allotment was made for them in the 2021 DoH Budget – and then when the vaccines come – Duterte said tonight – that his first priority to be vaccinated will the AFP and the PNP; not the ‘Medical Frontliners.’ No government other than this have treated its Medical Frontliners as bad and as disadvantageously shameless. Mukhang “TY” ung magiting and heroic service ng ating Health Workers.”

Sagot ni Ba Ipe: “Gumaganti ang buwang kasi minsan nagreklamo ang mga frontline medical worker sa kawalan ng pahinga sa kanilang maselan na gawain. Marami ang nagkasakit at namatay sa kanilang hanay ngunit binalewala lamang ito ng buwang. Balewala sa kanila ang paghihirap ng mga frontline medical worker. Mas mahalaga sa kanya ang mga uto-uto at basta sumusunod lamang na mga sundalo at pulis kesa sa mga manggagawang medikal. Hindi ko malilimutan ang sinabi sa akin minsan ng namayapang mamamahayag na si Benedicto David: ‘When you become a soldier or policeman, you have to abdicate your right to think. You just follow orders.’

***

NAKIKIRAMAY kami sa mga naulila ni Ricky Velasco. Biglang-bigla ang paglisan ni Ricky noong Lunes. Sininok si Ricky at sumakit ang tiyan. Nauwi ito sa cardiac arrest. Dating mamamahayag si Ricky. Kasama siya sa Radyo Patrol ng ABS-CBN. Siya si Patrol-39. Maligayang paglalakbay, Ricky.

***

Email:bootsfra@yahoo.com