Advertisers

Advertisers

Asean Coast Guard Forum susi na kaya ng katahimikan sa West Philippine Sea ?

0 16

Advertisers

Nitong ilang araw pa lang ang nalilipas, inumpisahan na sa Davao City ang pagpupulong ng mga ASEAN nations na binubuo ng mga Coast Guard ng Pilipinas, Singapore, Brunei, Malaysia, Thailand, Laos, Indonesia, Cambodia, Myanmar at Vietnam na inaasahang babalangkas ng paraan o solusyon sa lumalawig na hidwaan ng mga bansang nabanggit laban sa kalabisang panghihimasok at pangangamkam ng mga atoll, islets at ilang pang mga reef na sa kasawiang palad ay wasak na dahil sa tahasang paninira ng China Coast Guard at ng mga barko nilang pangisda. Ayon na rin sa mga expert ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagtungo sa mga lugar na ito na sakop ng economic zone sa West Philippine Sea, ang mga naglalakihang sea shells ay natagpuan nilang pawang mga basag at ipinatas sa mababaw na seabed na tila umpisa para gawing pundasyon na naman at tabunan upang maging “man created island/islet.

Tatlong araw na magsasanggunian ang mga sampung bansa at sa huling tala, maalwang nagkakaisa ang mga delegado nila sa kanilang respective claim/position sa mga mumunting islang ito sa West Philippine na pilit na binabraso ng China Coast Guard at militia ng komunistang Tsina at patagong minamaniobra ang unti-unting pagtatambak ng bato, buhangin at lupa tulad ng kanilang matagumpay na naitayo sa mga islang ngayo’y tinatauhan na nila at ginawang base.

Hindi maglalaon, sabi nga ng mga mangingisda nating kababayan sa baybayin ng Zambales — magigising na lang kaming nasa tungkil ng ilong namin ang mga Tsinong nagbobomba sa amin ng tubig dagat na makailang beses nilang ginawa. Ang masyadong mapusok na asal ng China Coast Guard at ilan pang tauhan ng militia ng komunistang Tsina ay nagdulot ng masakit na karanasahan sa mga mangingisda na ang ilan sa kanilang mga bangka at halos magkalasog-lasog. Nuong mga nakaraang paghaharap din ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard, ang ating mga opisyal mismo ay nakaranas ng pagwawalanghiya ng mga tauhan ng China Coast Guard, ngunit hindi ito pinatulan ng ating mga opisyal.



Ang mga deklarasyon ng embahada ng China na nandito bilang kanilang sugo ay hindi kapanipaniwala sapagkat marami angg nagsasabi, di lang sa mainstream tri-media ngunit maging sa social media — na ang bitaw ng kanilang salita at kabaligtaran ng kanilang ginagawa.

Ako man ay hindi makapaniwala nuong marinig kong ikukulong nila ang mga mangingisda o sinumang magtatangkang pumasok sa kanilang teritoryo sa West Philippine Sea?! Ngayong huling deklarasyon ng kanilang sugo “wala daw dapat ikabahala ang ating mga mangingisda kung lilisanin nila ang kanilang inangking lugar?”

Maraming kababayan natin ang ngayo’y ganuon na lang ang ngitngit at galit sa mga “creeping invader” na ito na patraydor kung humarap sa kanilang katunggali.