Advertisers
Unang nakaharap ni Luka Doncic ang Boston noong 2015 nang siya ay 16 anos lamang. Miyembro siya ng Real Madrid at nakalaban nila ang Celtics sa isang pre- season game kung bigo sila 96-111
Ngayon naman bilang 25 taong gulang ay katapat niya bilang star ng Dallas ang 17x na kampeon.
Nang disisais ang Slovenian ay gumawa lang siya ng isa sa pagkatalo nila sa Celtics,
Kahapon ginanap ang Game 1 ng serye nila ng Boston sa TD Garden. Bagama’t olat sila ay umiskor naman siya ng game-high na 30 at may 10 rebound at 1 assist.
***
Nakakatawa naman si Dioceldo Sy. Dangankasi’y pagkatapos ng mainam niyang mungkahi na 0Protect 8-10 Dispersal Draft ng PBA para sa parity sa liga ay nag-submit ang koponan niya ng di pantay na trade proposal.
Ikaw ang proponent para magkaroon ng equal na line-up tapos patuloy ang prangkisa mo sa praktis na ipinamimigay mo halos mga bida ng Bossing.
Heto masasabi sa iyo ni Pepeng Kirat. Hahaha!
***
Dapat bigyan natin ng saludo si Nenad Vucinic sa malaking achievement niya sa pagbabagong bihis ng Meralco Bolts.
Aktibo ang Serbian- New Zealander sa bench kahit official designation ay consultant lamang.
Matapos pagbakasyunan ang Ginebra ay inisahan nila agad ang SMB sa PBA Finals.
Mas mahigpit na depensa ng Bolts bukod sa mas marami na involved sa opensa.
Mahusay din siya sa player match up.
Bagama’t mas hamak na malakas ang Beermen man for man ay sinsikap niya na madaig ang pinakamatagumpay na team sa PBA.
***
Sabi ni Pilosopong. Mabuti pa si Norman Black nguni’t si Jaylen di brown at si Derrick di white. Hehe.