Advertisers

Advertisers

Almendralejo bida sa panalo ng Bacolod Tay Tung sa Finals ng Shakeys GVIL

0 7

Advertisers

SINAMANTALA ng Bacolod Tay Tung ang magilas na laro ni Rhose Almendralejo upang idispatsa ang Kings’ Montessori School, 25-18, 25-14, 25-23 sa semifinals ng 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) na ginanap sa Paco Arena sa Manila Huwebes.

Sumulong sa sa finals ang nakarang third placer Bacolod Tay Tung matapos umiskor si middle blocker Almendra­lejo ng 14 points kasama ang game-winning kill.

Sa Linggo ang winner-take-all final, makakalaban ng Bacolod Tay Tung ang mananalo sa pagitan ng Adamson University at National University-Nazareth School na nagpapaluan pa sa isang semis match habang sinusulat ito.



Sinikwat agad ng Thunderbolts ang unang dalawang sets bago napalaban ng todo sa set 3 sa premier grassroots volleyball tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Smart Sports, Mikasa, Team Rebel Sports, Data Project, Genius Sports at Robinsons Malls.

“Yung kalaban malakas din naman pero nag-click lang siguro yung depensa at block namin kaya yun po,” ani Bacolod Tay Tung coach Ian Mcariola.

Hindi naman sapat ang siyam at pitong puntos na kinana ng magkambal na sina Shekaina Lleses at Shehanna Lleses, ayon sa pagkakasunod para itaguyod sa panalo ang Kings’ Montessori.

Samantala, nagwagi ang FEU Lady Baby Ta­maraws matapos nilang kalusin ang Lyceum, 25-19, 25-22, 25-18 sa classification match.

Nagwagi rin sa isang pang classification game ang Arellano University kontra Bethel Academy College, 25-21, 27-25, 21-25, 20-25.