Advertisers

Advertisers

PRA ANG DAPAT MAKINABANG SA CAVITEX!

0 3,648

Advertisers

Sa halip na pribadong kumpanya ang magtamasa ay ang gobyerno sa pamamagitan ng PHILIPPINE RECLAMATION AUTHORITY (PRA) ang dapat na makinabang sa operasyon ng MANILA-CAVITE TOLL EXPRESSWAY na mas kilala bilang CAVITEX.

Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang PRA sa pamamagitan ng PHILIPPINE ESTATE AUTHORITY TOLLWAYS CORPORATION (PEATC) para sa FULL MANAGEMENT hinggil sa operasyon ng CAVITEX.

Sa panayam ng MEDIA kay PEATC OIC PRESIDENT DIOSCORO ESTEBAN JR ay inihayag nito na kung ang PRA TOLLWAYS CORPORATION na ang pinal na mamamahala sa kontrol at full operation ng CAVITEX ay magreresulta ito sa mas mataas na kita para sa kabang-yaman ng bansa.



Naihayag ito ni ESTEBAN matapos ang naging pagpupulong ng matataas na opisyal ng PRA-PEATC at ng CAVITE INFRASTRUCTURE CORPORATION (CIC) na kumakatawan sa pribadong kontraktor na si MANNY PANGILINAN ng METRO PACIFIC TOLLWAYS CORPORATION (MPTC) at kasalukuyang may kontrola sa operasyon ng CAVITEX.

Ang naging pagpupulong ng magkabilang kampo ay naganap nitong May 20, 2024 sa tanggapan ni TOLL REGULATORY BOARD (TRB) EXECUTIVE DIRECTOR ATTY. ARVIN CARULLO sa COLUMBIA TOWER, MANDALUYONG CITY na mismong si MPTC CEO/PRESIDENT at dating DPWH SECRETARY ( NINOY AQUINO ADMINISTRATION) ROGELIO “BABES” SINGSON ang nag-offer na isinusuko na nila ang hurisdiksiyon sa pamamahala ng CAVITEX sa pamamagitan ng BUY-OUT o pagbebenta sa gobyerno ng kanilang kontrol o share at interest.

Sa nasabing pagpupulong ay kinumpirma ni PEATC SPOKESMAN ATTY. ARIEL INTON na mismong si BABES SINGSON ang nag-offer ng gayong sistema na kanilang ibebenta ang share sa PRA.., gayunman ay nagpahayag si PRA CHAIRMAN ALEX LOPEZ na kinakailangang magkaroon muna ng PROPER ACCOUNTING para sa bentahan.

Matatandaang una nang naghain ng MANDAMUS PETITION sa COURT OF APPEALS ang PEATC na humihiling na bawiin na ang pangangasiwa sa CAVITEX dahil mahigit 2 bilyong piso ang tinatayang nawawala sa kita ng gobyerno kada taon.

Bunsod nito, kung mangyayari ang BUYOUT PROPOSAL ni SINGSON ay ang CAVITEX na ang kaisa-isang natitirang expressway sa ating bansa na pamumunuan mismo ng gobyerno ayon sa pagpapaliwanag ni ESTEBAN.



Gayunman ay dismayado at nangangamba pa rin si ESTEBAN sa CAVITEX INFRASTRUCTURE CORPORATION.., dahil kahit ipinangako na ni SINGSON na itu-turn-over na sa PEATC ang pangongolekta ng toll fees e tila naghahanap daw ito ng rason para hindi maisakatuparan ang nasabing pangako.., naku e dapat walang bawian sa pangako para ang bayan mismo ang makinabang at hindi ng iilang personalidad!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.