Advertisers

Advertisers

Driver ni Edu Manzano nabiktima ng kotong cop

0 7

Advertisers

BINUHOS ng aktor na si Edu Manzano sa social media ang kanyang pagkadismaya nang tangkain ng isang naka-motorsiklong pulis na kotongan ng P4,000 ang kanyang driver dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Ermita, Maynila noong Sabado.

Ibinahagi ni Manzano sa kanyang X account (dating Twitter) ang insidenteng nagpapakita ng bulok na sistema at nakasisira sa organisasyon na pinaglilingkuran ng motorcycle cop.

Ayon sa aktor, nasa likod siya ng kanyang sasakyan nang parahin ng naka-motorsiklong pulis ang kanyang driver sa kahabaan ng Roxas Blvd. noong Sabado, Hunyo 8.

“My driver was just stopped by a motorcycle cop on Roxas Boulevard. I was sitting in the back while he approached my driver and told him of his violation,” ani Manzano.

“Illegal U-turn. Yes, my driver made a mistake, but what upset me more was when he demanded P4k from my driver or else….” dagdag ng aktor.

Aminado ang aktor at dating vice mayor ng Makati City na nagkamali ang driver niya pero ang ikinadismaya niya nang mag-demand rito ang pulis ng P4,000.

Madali naman aniyang tiketan ang kanyang driver pero nadismaya siya nang mag-demand ito ng pera.

Tumanggi muna ang aktor na pangalanan ang pulis na aniya nai-rekord din niya ang pag-uusap nito at ng kanyang driver.

Pinag-aaralan, aniya, ang susunod niyang hakbang laban sa pulis.