Advertisers

Advertisers

Panukala para sa Bayanihan 3 inihain na sa Kamara

0 219

Advertisers

INIHAIN na sa Kamara ang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan to Rebuild as One o Bayanihan 3.
Sa ilalim ng House Bill 8059 na inihain nina House Majority Leader Martin Romualdez, AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, at Albay Rep. Joey Sarte Salceda, maglalaan ng P247 billion para sa muling pagbangon ng ekonomiya at emergency response at aid sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Salceda na co-chair ng House Economic Stimulus and Recovery Cluster, titiyakin ng Bayanihan 3 na ang national at local government units ay makakilos at makabangon sa gitna ng epekto ng mga nagdaang bagyo at mabagal na recovery sa third quarter ng taon dahil sa pandemiya.
Maglalaan din sa ilalim ng Bayanihan 3 ng P20 billion na pondo para pambili ng COVID-19 vaccine.
Una nang naghain ng kanyang bersyon ng Bayanihan 3 si Marikina City Rep. Stella Quimbo na House Bill 8031 na ipinapanukalang paglaanan ng P400 billion na pondo. (Henry Padilla)