Advertisers

Advertisers

GAANO KALALIM ANG UGAT NG POGO, HANGGANG SAAN ITO HAHANTONG?

0 17

Advertisers

Gaano kalalim ang ugat ng POGO at hanggang saan ito hahantong? Ito ang katanungan ng ating mga mamamayan hinggil sa usapin ng POGO at kung sino pa ang mga protektor nito dito sa ating bansa?

Saksi tayong lahat sa usapin o’ isyung sangkot ang POGO sa kadahilanang ito ay malaking banta sa ating ekonomiya at ganon din sa ating national security.

Mantakin niyong nag-umpisa ito sa Munisipalidad ng Bamban sa Probinsiya ng Tarlac hanggang sa maka-rating sa bayan ng Porac na nasa Lalawigan na ng Pampanga.



Unang nasangkot dito ang Mayora ng Bamban na si Alice Guo hanggang sa makarating ito ng bayan ng Porac na kung saan nadawit na rin si Senador Lito Lapid at ang Mayor nitong si Jaime Capil.

Lumipas ang ilang araw ay lumalabas na may kinalaman at protektor na rin si Pampanga Representative at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sumunod naman kay Arroyo ang Gobernador na ng Pampanga na si Dennis Pineda dahil imposible daw na maka-galaw ang mga ito ng ganon lang kung walang basbas at kunsinti ni Gob.

Biruin niyong dito pa lang sa dalawang lalawigan ay napaka-raming tao na ang nadamay at hindi lang basta mga tao dahil sa ang mga ito ay halal ng bayan.

Hanggang sa hurikadura o’ mga korte ay tila protektado pa rin ang mga POGO matapos na bawiin muli ang search warrant na inisyu sa mga operatiba ng PAOCTF ng isang Judge sa RTC14 sa Malolos, Bulacan.



Ngayon lang nga naman nang-yari ang ganitong klase ng kabal-balan dahil sa ang nasabing desisyon ng Judge ay dapat na Final at Executory at ang kanyang desisyon ay hindi na pwedeng bawiin.

Ang kagulat-gulat pa dito ay ng sabihin ng Judge na kung kaya’t binawi niya ang kanyang desisyon ay dahil hindi daw niya ito hurisdiksiyon at pag-aaralan pang muli ang kaso.

Sinabi ng PAOCTF na marami tuloy ang nakatakas na mga tao na kinabibilangan ng mga Intsik,Vietnamese at Malaysian sa POGO hub sa Porac, Pampanga dahil sa pagkakaantala ng search warrant ng Judge.

Sa situwasyong bang ito ay nakakasiguro tayong dito na magtatapos ang mga illegal na aktibidad ng POGO.

Sa mga karatig lalalawigan kaya tulad ng Pangasinan, La Union hanggang sa Benguet ay walang naitanim na prankisa ang mga ito.

Ilan pa kayang mga taong gobyerno tulad ng mga Alkalde, Senador, Congressman at mga Gobernador ang madadawit dito.

GAANO NGA KAYA KALALIM ANG UGAT AT HANGGANG SAAN KAYA HAHANTONG ANG USAPING ITO?