Advertisers

Advertisers

Si Digong at ang Chinese criminals

0 31

Advertisers

KALAT ngayon sa social media ang group picture ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte kasama ang iniimbestigahan sa POGO na mayora ng Bamban, Tarlac na si Alice Gou, dating Customs Commissioner Nick Faeldon na nalusutan ng bilyon bilyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port, at ilan pang individuals.

Ang ipinagtataka lang natin ay kung bakit halos lahat ng Intsik na nasasangkot sa kriminalidad ay may larawan sila ni Digong?

Ang kinumpirmang drug lord na si Peter Lim, may picture sila ni Digong mismo sa Malakanyang. Kumpare raw sila.



Ang tinaguriang drug lord Chinese national na si Richard Tan, na sangkot sa P6.4 billion halaga ng shabu na nasamsam sa raid sa isang warehouse sa Valenzuela City noong 2017, may group picture sila ni Digong kasama ang ilan pang umano’y Chinese drug lords.

Si Michael Yang, ang Chinese national na ginawa pang economic adviser ni Digong kahit ipinagbabawal sa batas at nasasangkot sa Pharmally scandal at umano’y drug lord, may mga larawan din sila ni Digong na nagkakasiyahan.

Oo! Marami pang Chinese nationals, na mga isinasangkot sa pagpapasok ng mga iligal na droga sa bansa at sangkot sa mga iligal na operasyon ng POGO, may mga larawan sila ng dating pangulo. Nakapagtataka, di ba???

Dito lamang kay Alice from Wonderfarm, mantakin mong may larawan sila ni Digong kasama pa si Faeldon. Wow! Hindi lang natin alam kung saan o kailan kuha ‘ito, kung panahon ng kampanya noong 2016 o presidente na si Digong.

Ang sigurado rito ay ipinakilala lang kay Digong si Alice. Dahil imposibleng ang dalagang taga-Tarlac ay magsadya sa ‘hindi naman guwapong playboy ng Davao City. Hehehe… Pero sino kaya ang nagpakilala kay Alice kay Digong? Baka si Michael Yang? Hmmm…



***

Naglabas ng statement si Digong regarding sa aniya’y overkill na pagsilbi ng arrest warrant ng mga pulis laban sa wanted na si Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), sa compound nito sa Buhangin District, Davao City, Lunes ng umaga.

“I strongly condemn the use of excessive and unnecessary force in serving the warrant of arrest for Pastor Apolo C. Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ by police officers who are not even from Davao City,” say ni Digong. Ito aniya ay “unacceptable”.

“Will this overkill be the trademark of this administration when dealing with individuals who are merely accused of committing a crime and have not been proven guilty beyond reasonable doubt?”

Pero ang statement na ito ni Digong ay pinagtawanan ng netizens. Alam raw pala ni Digong ang ‘not been proven guilty beyond reasonable doubt’ pero nung siya ang presidente puros pagbaboy sa batas at paglabag sa karapatang pantao ang ginawa. Mismo!

Hindi sa ipinagtatanggol ko ang mga pulis. Pero ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Nandoon sila para magsilbi ng arrest warrant mula sa korte, hindi mula kay Pres. Marcos, para malitis ang akusadong pastor sa mga kasong sexual abuses.

Ano ba ang gusto mangyari ni Digong, ibasura ang kaso ni Quiboloy nang hindi dumaan sa paglilitis? No one is above tha law.

Kung inosente si Quiboloy sa mga inaakusa sa kanya, harapin niya ito sa korte. Ilatag niya ang kanyang mga ebidensiya na wala siyang nilabag na batas. Period!