Advertisers

Advertisers

Enchong ‘di pa rin target ang lovelife, mas focus sa negosyo

0 194

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI lang artista kundi isa ring negosyante si Enchong Dee. Kaya kinuha siya ng Sun Life bilang endorser ng Negosyante Starter Pack.

It’s a bundle of Sun MaxiLink 100 life insurance  and Sunlife Prosperity Achiever 2028 mutual fund, with rates that start at 4000 per month. These product can help one be a step closer to a brighter future, just like Encbong.



“As I focus on my career and my businesses, it’s important for me to have a trusted partner covering my back. I’m glad I have Sun Life as  my lifetime partner in my financial journey,” sabi ni Enchong sa zoom media conference niya para sa Sun Life.

Bilang isang negosyante, may payo si Enchong sa mga nagbabalak magtayo ng business gaya niya.

“Du’n sa mga kaedad ko, I think just look for something, ‘yung negosyo na malapit sa puso mo. Especially ngayon, marami sa atin ang naghahanap kung saan ilalagay ‘yung savings nila. Saan sila makakakuha ng emergency funds nila. So isa ru’n sa mga sinabi ni Ma’m Rene, na isang financial adviser (from Sun Life).

“Sabi niya, ‘This is the perfect time because we’re young, we’re healthy. So start as early as now, so we can grow your money more.’

“Yung mga luho the fact na tinawag silang luho, okey lang sa akin kahit ma-give up ko. Sabi ko nga I dont mind not owning a house, not owning a beautiful car. As long as it  can grow my money in the future, I can have the freedom that I wanted in the future.



So ‘yung luho madali lang natin na i-set aside ‘yun. And improve muna natin ‘yung dapat nating palakihin, ‘di ba? And another thing, if I may add lang, sa panahon kasi ngayon, ang hirap ng buhay, tapos sunud-sunod pa ‘yung nangyayari sa bansa natin, siguro if we can think, research and really study kung saan ba talaga tayo papasok ng negosyo. Kasi ang hirap din mag-risk ngayong panahon na ‘to, kasi hindi natin alam kung kelan matatapos itong pandemya.

“Hindi natin alam kung kelan ba tayo talaga babalik du’n sa normal na nakasanayan natin. So siguro mas ano lang. mas conservative lang tayo on approaching our business goals. Even somehow our personal goals,” sey pa ni Enchong.

Part ba ng personal goal niya ang magkaroon na ng lovelife o mag-settle down na dahil na-reach na naman niya ang goal ng isang single na lalaki na gustong ma-reach? Financially stable na naman kasi siya.

“I think hindi ko talaga siya precisely tina-target. Parang I always believe that you know, once the time I’m ready, feeling ko hindi ko siya gagawin in such a way na marami pa rin akong inaasikaso. “Kasi alam ko ‘yung prayoridad ko, hindi  pa rin siya ‘yun (lovelife/mag-asawa). But if it comes  feeling ko I need to sacrifice some things that take my time of lovelife. So, personal goal will definitely be focus still on my work and my businesses.”