Advertisers

Advertisers

Anak ni Rod Navarro bumabangon muli

0 30

Advertisers

Ni OGGIE MEDINA

UNA kong nakilala si film/TV actor Rod Navarro, o Joseph Bowers Rigets sa totoong buhay, noong ako’y sumali sa Spin A Win with Jeanne Young sa RPN-9 (katabi ng IBC-13) sa Broadcast City compound sa Quezon City.

Dahil nanalo ako ng home showcase, di ko alam kung paano ko dadalhin sa Don Galo, Paranaque ang mga napanalunan kong gamit. Nagkataong nandoon si Rod at tinulungan niya akong tumawag sa uncle ko, kay real estate broker Oscar P. Garcia.



Ayaw ko naman istorbohin ang tiyuhin ko na si Felipe “Jun” Medina Jr., dating broadcaster-executive producer ng Newswatch sa RPN-9 at general manager noon sa IBC-13. Salamat kay Rod at dumating ang Uncle Oscar (pinsan ni dating Bulacan Governor Obet Pagdanganan) dala ang kanyang bagong Mercedes Benz na sasakyan na ikinagulat at ikinangiti ni Rod. Nagkasya lahat ang mga gamit at punumpuno ang laman ng kotse. Masaya si Rod para sa akin at labis akong nagpasalamat sa kanya. Kumaway siya at gayundin kami ni Uncle Ocar sa kanya.

Noong 72nd FAMAS sa Manila Hotel kahit na nandoon ako, di ko kaagad napansin ang anak ni Rod Navarro  na hinangaan ko bilang isang magaling na artista at isang mabuting tao.

Nagdiwang si Rod Navarro Jr. ng ika-42 kaarawan noong Hunyo 10 at maraming kaibigan sa industriya ng showbiz ang bumati sa kanya.

Sabi ni Rod Jr. sa akin tungkol sa kanyang ama: “Ang mga salita na sa kanya mo lamang maririnig gaya ng ‘Sa iyo manggagaling ang iyong ikabubuti at sa iyo rin magmumula ang iyong ikasasama’. At ang palaging pagpapaalala na ‘Anuman ang iyong marating ay dapat manatiling nakatapak sa lupa ang iyong mga paa’.”

Sa ngayon si Rod Jr. ay bumabangon pa lamang sa buhay mula nang “ako ay nagkasakit at na-depressed kaya nagsusumikap na gumawa ng mga content upang makilala at mabigyan ng pagkakataon sa industriya na aking pinakamamahal.”



Hiling niya sa kanyang kaarawan ay: “Una, ang mabigyan ng pagkakataon na maipagpatuloy ko ang legacy ng aking ama (Rod Navarro) sa larangan ng showbiz at pagbo-broadcaster . Pangalawa, ang kaligtasan ng aking mga anak at mga minamahal ko.  Pangatlo, ang matuloy ang aking legacy na makatulong sa mga tao na tinatamaan ng matinding dipresyon at makatulong sa mga artista na napaglipasan na ng ningning sa showbiz.”

Nagpapasalamat siya sa kanyang  mga kaibigan tulad nina JC Garcia (anak ng yumaong si Bino Garcia), mga kasama niya  sa Big Guys na gumaganap na kontrabida rin (sina Telly Babasa, Alex Cunanan, Rey Bejar at Ricky Alma Jose).

Hindi rin niya makalilimutan si  Maria Lucille na nagpakilala sa kanya  sa Panginoon. Si Rod Jr. ay isang Christian.