Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BAGO pa man ipinakilala ni Angelica Panganiban sa kanyang online show ang kanyang guest na may titulong Woman on Top na si Miss Charo Santos ay kumuda muna si Angge at nagkuwento.
Ngayong panahon daw ng pandemic ay talagang nagawa niya ang mga hindi niya nagagawa.
Tulad ng pagkakabit ng bombilya ng ilaw na gawain ng lalake.
Hindi rin nito sukat akalain na tatlong galon ng mineral water ay isa-isa nitong mabubuhat mula sa ibaba hanggang sa 3rd floor ng condo.
Nung panahon na ‘yun bawal magpapasok ng delivery boy kaya naman si Angge na ang nagbuhat nito at wala naman siyang choice.
At isa pang kuwento ni Angelica ay grabe siyang takot sa ipis at talagang napapasigaw ito nang bongga.
Kahit naman si Charo ay dumaan din sa hirap at kahit gawain panglalake ay sinuong din ng iconic veteran actress-lady boss bago pa ito nagtagumpay sa buhay.
Itinanong ni Angge kung ilang liham na ang nababasa ni Charo sa MMK na ikinatawa ng huli. Hindi na raw nito mabilang kung ilang sako ng liham ang nabasa na niya at sa mga ‘yun ay may mapupulot anya siyang aral sa buhay.
Kailan ba raw nagagalit si Mam Charo, of course, marunong din daw siya magalit pero nagsisimula ang galit na ‘yun pag nagkakainsultuhan na at doon na umano lalabas ang true color ng dating boss ng ABS-CBN.