Advertisers

Advertisers

Buhusan ng ayuda, subsidy ang ating agri sector

0 31

Advertisers

MARAMI ang nalungkot at nagalit nang sinuspindi ang incentives at iba pang benepisyo ng mga government employees — na hindi naman ipinaliwanag ng Palasyo ang mga dahilan.

E, paano ang pandagdag sa tuition ng anak na nasa kolehiyo o kaya inilalaan yun sa matagal na kulang sa buwanang hulog sa Pag-IBIG ng karaniwang empleyado na nagsisikap magkaroon ng sariling bahay.

Noon pa, itinuring ng mga kawani ng pamahalaan na “savings” nila iyon para sa utang siguro o may kailangang bayaran o bilihin, pero biglang naglahong bigla.



Joke na totoo, parang namumudmod ng aginaldong suspension ang gobyerno, ang Ombudsman sa mga appointed at elected officials, at eto ang sabi ni Department of National Defense (DND) Sec. Gibo Teodoro, banta o threat sa national security ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, pero bakit hindi niya binanggit ang tila militarized POGO hub sa dating Island Cove na ibinenta ng pamilya ni Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na sabi ay miltiraized at di mapasok ng mga pulis at sundalo na duon, mahigit sa 20,000 Chinese, Vietnamese at Taiwanese nationals ang nagtatrabaho.

O baka naman kaya hindi binanggit iyon ni Sec. Gibo, gawa ng prinsipyo ng “courtesy among peers” pero national security threat o panganib sa kaligtasan ng bansa ang POGO, sabi ng ating tagapagtanggol ng bansa.

Teka, panay ang pamimigay ng ayuda — tama lang kung kailangan talaga, lalo na ang mga nasunugan, biktima ng kalamidad pero naman, mga Tambaloslos, wag namang mas malaki pa ang litrato ng mukha nyo at ng inyong partido ang nakasulat sa sobre at mga tarpaulin.

Pero natin, opo, tyaxpayers money po iyon at hindi n’yo pera iyon, kaya pwede po ba, burahin ang mga mukha nyo, at eto ang balita, kung P10K ang ayuda, pag dumaan sa kamay ng LGUs, may kaltas at ang kumakalat sa social media, pati si Kapitan, may share kaya ang P10K, magic, nagiging P2K na lang.

Siya nga pala Sec. Gibo, ang isa sa matinding banta sa national security po ay ang korapsiyon, kaya iyon sana ang sabihin nyo pag nagmiting kayong mga member ng Cabinet.



Since uso ang suspensiyon, ayan, salamat at sinuspindi rin ni Senate President Chiz Escudero ang konstruksiyon ng bagong Senate Building sa Taguig City, kasi mula sa dating contract price na P8.9 bilyon, umabot na raw ito, sabi sa report ni Senate Committee on Accounts Sen. Alan Peter Cayetano, ang nagastos ay P23 bilyon na.

At marami pa ang kailangang ipagawa nang rebisahin nina Escudero at Cayetano ang pasilidad ng bagong Senate building na noong Lunes sa flag ceremony, sabi niya, ang pinagagawang gusali ay masama sa panlasa ng maraming Pinoy.

E, nasa gitna ng krisis sa ekonomya at sa kahirapan na nakikita ng marami sa ating kababayan, sabi ni Chiz — ay salamat naman at napansin po nyo ang kahirapan.

Kaya pwede po ba, mga batas para mahango ang marami sa kahirapan at nang hindi sumama o maging mapait sa panlasa namin ang magarbong Senate building nyo, e ang totoo, maayos pa naman ang inyong mga opsina sa Pasay City, pero sa paligid nyo, at sa maraming lugar, marami ang walang mga bahay at nakatira sa parang bahay ng posporo.

At ang mga LGU, ang hihilig sa mga palaro, beauty contest at kung ano-ano pang entertainment na kinukumpetensiya pa ang Showtime, Eat Bulaga at iba pang TV shows.

Hayaan na nyo, mayor. governor, congressman ang mga singing contest, parada ng mga sexing girls at mga kapatid sa pananampalatayang LGTBQ+ na raket ng mga mga pribadong tao.

Wag kayong tumulad sa France na bread and butter ang sagot sa kahirapan, kasi iyong ganoong entertainment ang naging dahilan ng Fall of Bastille at bumagsak ang monarkiya at nagtagumpay ang rebolusyon ng mga makabayang Pranses.

Sabi nga, magbasa at matuto sa kasaysayan, kaya baguhin ang gimik at gawing makatotohanan.

Pakontest kayo sa agrikultura at paghahayupan, gaya ng pinakamalaking upo, kalabasa o pinamakalaking pinya o pinakamaraming ani ng palay at mais sa isang ektarya.

Ibuhos nyo, mayor, governor, congressman ang ayuda o subsidy sa magandang lahi ng hayop, magandang binhi, patubig at iba pa upang mapalakas ang agrikultura natin at mapasigla ang mga magsasaka.

Aba, tayo lang ang agrcultural country na ang farmers, fishermen ang nagugutom, e sa ibang bansa, sila ang mayayaman, pero sa Pinas, sila ang tribu na malapit nang ma-extinct kasi gutom ang maging food producer sa Pilipînas.

Aba, e ang gagaling, ang tatalino at resourceful ang ating magsasaka at fish farmers na kung dito ibubuhos ang ayuda at maraming pera, resources, kaya naman mapakain ang lahat at magkaroon tayo ng murang bilihin.

At itigil muna ang conversion ng fertile agriculture land natin at ang mga nakatiwangwang, ipa-renta at taniman ang mga ito, e ang daming lupa na binili na gagawin daw na komersiyal pero hindi ginagalaw at sa halip na mataniman ng pagkaing gulay at maging pastulan ng mga hayop, hayun at walang pakinabang at nag-aantay ang bagong may-ari na tumaas ang halaga ng nablling property.

Konting isip-isip at galaw-galaw lang po, mga honorable public servants at nang maiboto uli kayo sa Mayo 2025.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.