Advertisers

Advertisers

Atin ang WPS at yuko ang China dito

0 298

Advertisers

Sa napipintong paghahanap ng gas at langis sa West Philippine Sea (WPS), ang pakikipagtambalan ng Tsina sa ating bansa ay patunay lamang na kinikilala nito na pag-aari ng Pilipinas ang yamang dagat sa napakalawak na bahagi ng tubig na naghihiwalay sa magkabilang bayan.

Kung bakit ko nasabi ito, ay dahil na rin sa Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan ng mga opisyal ng Administrasyon Duterte at ng pamahalaan ng China noon pang 2018. Dito nasasaad na yuko ang Tsina sa atin, dahil lahat ng mahuhukay na yamang dagat ay para sa Pilipinas.

Ang pagba-ban ng ating bansa sa anumang “oil exploration” o paghahanap ng gas at langis sa lugar ng karagatang iyon noon pang 2011 ay dahil sa mga di pagkakaunawaan ng dalawang bansa, na binigyan daan naman ni Pangulong Duterte na matuloy na, nang ipinagutos niyang tanggalin ang ban noong October 15.



Ang pagpapatuloy ng oil exploration ay paraan naman din ni Pangulong Duterte na paghandaan ang pagkaka-ubos ng mga langis at gas na nahuhukay sa Malampaya na inaasahang mangyayari sa mga taon ng 2024 o 2025.

Pinaghandaan ng butihin nating lider ang mga bagay at mga kaganapang ito. Bakit o paano ka niyo? Batid ng Pangulo ang ating pagkakapanalo sa International Court at maglabas ito ng desisyon sa Hague noong 2016, na atin ang parte ng karagatan sumasaklaw sa WSP.

Hindi ba’t pinagdiinan niya ito sa kanyang kauna-unahang pakikipag-pulong sa United Nations General Assembly na ikinagulat ng lahat ng bansa kabilang ang China noong September. Kaya ang mga nilalamang kasunduan sa 2018 MOU para sa oil exploration sa WPS ay mga pawang pabor para sa bansang Pilipinas noonpang lagdaan pa lamang ang kasunduan kong binanggit.

Sinang-ayunan yan mismo ni Chinese President Xi Jinping na kasamang pumirma ni Pangulong Duterte sa MOU.

Mayroon kasing tinatayang anim na libong bariles (6,000 barrels) ng langis at magigit pitong libong (7,100) cubic feet ng gas ang nasa WPS na alam na ni Pangulong Duterte bago pa magpirmahan ng MOU.



Kaya sa ilalim nito (MOU) ang pambansang China National Offshore Oil Corporation ng Tsina ang makakatambal ng anumang oil company na mapipili ng Pilipinas sa paghahanap at paghuhukay ng mga yamang dagat na langis at gas sa WPS.

Sa panig naman ni Energy Secretay Alfonso Cusi, ang kumpanyang PXP Energy ng Pilipinas ang siyang pinaygan na nila na makapag-explore sa isang bloke ng karagatan upang humanap ng langis at gas. Maaari na nga raw magsimula ito kahit wala ang katambal na kumpanya ng langis ng China, dahil tayo ang masusunod ayon sa MOU. Kung di nila kayanin ang gawain, ang sabi ng kalihim ay saka palamang maaring tawagin ang tulong ng kumpanya ng Tsina.

Sinasaad din sa MOU na dapat sundin ng Tsina ang lahat ng batas sa Pilipinas at mga kundisyon nito sa oil exploration sa WPS upang maisakatuparan ang kasunduan.

Oh! Hindi ba’t ang pagpayag ng Tsina sa kasunduang ito ay sapat na para sabihin nating yuko na sila, na tayo ang talagang nagmamay-ari ng WPS.