Advertisers

Advertisers

Kasiglahan Market, pribado at ‘di sa gobyerno

0 400

Advertisers

Ipinababatid natin kay Rodriguez, (formerly Montalban) Mayor Tom Hernandez na may ilang grupo ng mga tarantadong tao ang gumagamit sa kanyang malinis na pangalan upang manloko ng mga tenants na vendors sa KASIGLAHAN MARKET.

Pinalalabas ng mga hinayupak na ito na pag-aari ng munisipyo ng Rodriguez, Rizal ang nasabing pamilihan at nagbebenta ng rights at nagpapaupa sa mga puwesto on a daily basis.

Ang nasabing bogus na grupo ay pinamumunuan ng isang umano’y CRISTY P.  na nagpapakilala bilang market administrator.



Mga tauhan ni CRISTY sina alyas ELVIE at ang asawa nito na umano’y kumpareng putik ni Mayor Hernandez.

Umaakto namang mga market collectors ang anak nitong alyas si PILAR at isang alyas DIANNE.

Umaabot umano mula Php60K hanggang Php80K ang halaga ng bawat rights sa Kasiglahan Market segun sa liit o laki ng puwesto.

Php 150-300 pesos naman ang kinukolekta nitong sina alyas PILAR at DIANNE sa umaga at hapon araw-araw bilang daily rental na umano’y iniintrega sa Office of the Mayor ng Rodriguez ayon pa kay CRISTY.

Sinong Herodes ang nagbigay ng pahintulot kay CRISTY na paupahan ang nasabing palengket na pag-aari ng pamilya Natividad.



Ang mabigat pa, kaladkad ang pangalan ni Mayor Tom Hernandez at ang mismong lokal na pamahalaan ng Rodriguez sa raket at katarantaduhang ito.

Nananawagan din tayo sa Sangguniang Bayan ng Rodriguez, (Montalban) Rizal na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa nasabing isyu at ang pagkakasangkot ng pangalan ni Mayor Hernandez sa scam na ito.

Umaabot sa mahigit isang daang tenants/vendors ang patuloy na niloloko at kinokolektahan ng grupong ito ni CRISTY.

Totoo nga bang direktang sa tanggapan ni Mayor Hernandez nagre-remit ng koleksyon ang grupo base sa ipinagyayabang ng CRISTY P na ito?

Marapat lamang na magpaliwanag si Mayor Hernandez sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa iskando at katarantaduhang ito.

Bukas ang kolum nating ito para sa panig ng mabunyi at pinagpipitagang alkalde ng Montalban!

Dahil sa walang habas na paggamit ng grupo ni CRISTY at ng nagpapakilalang kumpare umano ni Mayor Hernandez sa pangalan ng alkalde, pati ang pamunuan ng barangay na nakakasakop sa Kasiglahan Market ay nagmimistulan umanong inutil sa mga reklamo ng mga tenants at vendors ng nasabing pamilihan laban sa grupo ni CRISTY.

Bukod sa rights na ibinenta ng mala-sindikatong grupo ni CRISTY, dalawang beses pa umano mangulekta ang mga kolektor ni CRISTY sa mga tenants bilang daily dues umano ng mga kaawa-awang nagtitinda (vendors).

Iisa rin umano ang metro ng kuryente na pinagkukunan ng kinukunsumong elektrisidad ng mahigit isang daang tenants na naglalagay sa malaking panganib sa mga nagtitinda at mamimili sakaling magkaroon ng sunog sanhi ng overloading sa kuryente.

Ang isa pang tanong ay kung ligal nga bang masasabi ang source ng electricity ng palengke gayong isa sa mga pangunahing requirements ng Meralco o ng ano mang electric company para makabitan ng elektrisidad ang isang business establishment ay ang titulo ng lupa o business permit nito na malabong maipagkaloob ng grupo ni CRISTY dahil ang tunay at ligal ngang may-ari ng nasabing property ay ang pamilya Natividad na wala namang kaalam-alam sa mga hocus pokus na pinaggagagawa ng grupo ni CRISTY P.

Mainit nating susubaybayan ang mga kaganapan sa isyung ito at ang magiging aksyon dito ni Mayor Hernandez at ng Konseho ng Rodriguez, Rizal.

Kakalampagin din natin ang tanggapan ng DILG ni Sec. Ed Año patungkol sa katarantaduhang ito!

May kasunod…ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAG-TEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com