Advertisers

Advertisers

‘Kudeta’ vs Velasco, at PDu30 walang power vs korap congressmen? Weee!!!

0 288

Advertisers

TSK TSK TSK!!! Hindi pa nga umiinit sa pagkakaupo sa kanyang puwesto, nakakadalawang buwan palang, bilang ‘Speaker of the House’ si Congressman Lord Velasco ay matindi na ang mga bulong-bulungan na may grupong nagbabalak umano ikudeta na ito sa puwesto dahil sa anila’y kakulangan ng direksyon at katatagan bilang lider ng kamara. Ganun?

Ito marahil ang dahilan kaya pinulong ni Velasco ang ilan sa mga kongresista para sa “loyalty check” dahil nakarating na sa kanya ang napapabalitang “kudeta” laban sa kanya. Maliban pa ito sa tumitinding girian at internal conflict ng mga kaalyado niyang kongresista.

Sa birthday ni Velasco ay nagkasagutan sina Congresswoman Sharon Garin at Cong. “Pulong” Duterte dahil kwinestyon ni Garin ang pagiging chairman ni Pulong sa makaparangyarihang committee on accounts kahit hindi nito binoto si Velasco bilang speaker. Kaya nga, sa isang viber message ni Pulong na ipinakalat sa media na nagsasabing siya ay dumidistansya na sa ruling majority ng kamara dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Garin. Aray ko!



Inirereklamo rin ng mga kongresista, ayon sa aking tiktik, ang kawalan ng “palabra de honor” ni Velasco dahil tinanggal nito sa pwesto ang mga deputy speaker at committee chairman na sa tingin niya ay hindi niya kaalyado.

“Sino ngayon ang walang palabra de honor?”, tanong ng aking tiktik. Oo nga naman, di ba noong bago magpalitan ng speaker ay ibinato ni Velasco kay Cong. Alan Cayetano na wala raw itong palabra de honor kaugnay sa ‘term sharing’ isyu? Pero ang lahat ng akusasyon na ginawa ni Velasco ay bumabalik ngayon sa kanya dahil umayon siya noon sa kasunduan na hindi magpapalit ng committee chairmen ‘pag siya na ang umupo bilang lider ng kamara.

Kaya ‘wag na tayo siguro magtaka na ganito ngayon ang nangyayari sa kamara. Dahil sa totoo lang… marami nang saliwa na galawan ang nangyayari ngayon sa naturang tanggapan. Kasama na riyan ‘yung pagtatanggol ni Velasco tungkol sa red-tagging sa ‘Makabayan bloc’ at ang umaalingasaw ngayon na kontrobersiya tungkol sa ‘budget insertions’ ng mga kongresista sa 2021 national budget, na ayon kay Senador Ping Lacson ay hindi bababa sa P620M BAWAT ISA!

Sa nangyayaring ito, baka magising na lamang si Velasco na wala na siya sa pwesto dahil kung tutuusin ay hindi manlang siya makapagpaliwanag tungkol sa inaakusa ni Lacson sa usapin ng pagtaba ng infrastructure budget ng mga kongresista.

Well, abangan natin ang mga susunod na pangyayari sa kamara. At huwag nating kalimutan na kung ano man ang ginawa mo sa kapwa mo, ay maaari ring gawin sa’yo ng ibang tao pagdating ng araw. Mismo!



***

Hayagang inanunsyo ni Pangulong Duterte na WALA SIYANG POWER para paimbestigahan ang mga KORAP na kongresista.

Tama naman dito ang Chief Executive, co-equal branch nga naman ng gobierno ang Legislative.

Pero kinuwestyon ni Sen. Lacson ang sinabing ito ni Pres. Duterte na wala siyang kapangyarihan para imbestigahan ang mga KORAP na mambabatas lalo’t mismong Justice Department o DoJ na nasa ilalim ng Chief Executive ang nag-prosecute kay Sen. Leila de Lima.

“May nakita lang akong inconsistency… kasi si Senator De Lima, Department of Justice din yung nag-prosecute. So… anong kaibahan kung iimbestigahan din yung mga congressmen?”, say ni Lacson.

Oo nga naman… Ang problema kasi kay Pres. Duterte, kapag kaalyado na niya ang sangkot sa katiwalian, iniiba na niya ang kanyang sinasabi. Binibigyan nya ng palusot! Ewan!!!