Advertisers

Advertisers

GENERALS WIVES IN POLITICS?

0 26

Advertisers

Kaya pala walang tinag ang mga iligal na sugalan sa Region 3 at Region 4A ay dahil sa mga kupal na kolektor na sila Raniel at Patrick ng Region 3 at si Rico at Adlawan ng Region 4A.

Pagmamalaki nila Raniel at Patrick, may quota sila na dapat makuha para sa national, same thing kina Rico at Adlawan na may quota din na binabanggit para naman kuno sa nalalapit na 2025 elections. Ganun?

Ibig bang sabihin ng mga kupal na ito, may tatakbong heneral na nakaupo ngayon sa 2025 elections?



Maaari nga,kasi after ng retirement ng karamihan sa mga heneral na ito, politika ang pinapasok, it’s either asawa or mismong ang magreretirong heneral, o baka naman sa mga bossing ng heneral ang mga perang makukuha sa sugal?

Generals wives venturing into politics?

‘Yan ba ang siste?

Ngayon papalapit na nga ang filling of candidacy ng mga politiko, kailangan ng malaking pera at isa sa mga mabilis na sources of funds ay ang pera mula sa iligal na sugal.

Kaya ba naka-green light ang lahat ng sugalan PNP chief Gen. Marbil at CIDG chief Gen. Francisco?



Mukhang meron tatakbo at papasukin ang politika sa inyo mga sirs?!

Ito ay base sa mga kolektong ninyong ibinibida kung bakit kailangan ng malaki ang halaga ng kanilang kinukuha o tinatara sa mga sugalan. Hehehehe

Ang isda talaga madalas sa bibig nahuhuli mga sirs!

‘Yan ay kung otorisado nyo nga talaga ang mga kupal na sina Raniel, Patrick, Rico at Adlawan na ikulekta kayo sa mga sugalan.

Bakit kaya ganito katabil at kadaldal ang mga “kolektong” ng PNP?

Walang takot na i- name drop ang mga pangalan nina chief PNP Gen.Marbil at CIDG Director General Francisco.

Labutaw na labutaw na ang pangalan ng dalawang mamang general.

Ganito na ba ka- garapalan ang diskartehan dyan sa loob ng Kampo Crame?

Puro “pera- pera” na ang usapan?

Abangan na lang ang mga puwesto sa Region 3 at 4A na umaangal na sa taas ng hinihinging timbre o payola ng mga kupal dahil sa quota nila na sinabi.

Tumbukin din natin ang tinaguriang “APPOINTMENT FOR SALE” na hottest issue ngayon dyan sa PNP.

Till next issue!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com9