Advertisers

Advertisers

Golovkin vs Szeremeta sa December 18

0 221

Advertisers

MATUTULOY na rin ang sapakan nina boxing champion Gennady Golovkin at Kamil Szeremeta sa susunod na buwan sa Florida sa middleweight title bout original na naka-iskedyul noong Pebrero pero ipinagpaliban dahil sa coronavirus.
Magtatagpo ang IBF champ Golovkin at Polish challenger Szeremeta sa December 18 sa Hard Rock Hotelsa Hollywood, Florida.
Ang laban ay gagawin isang araw bago ang bakbakan ni Canelo Alvarez ng Mexico at Callum Smith ng Great Britain.
Kapag parehong magwagi sina Golovkin at Alvarez ay puwedeng ikasa ang trilogy sa pagitan ng dalawang superpowers sa 2021.
Ang 38-year-old Golovkin, ay armado ng isang talo at one draw na may 40 career wins, huling lumaban noong October 5, 2019 na tinalo siSergily Derevyanchenco sa middleweight title fight.
Ang kanyang talo at draw lahat ay galing laban kay Alvarez.
Ang unbeaten Szeremeta ay mandatory challenger para kay Golovkin, ng Kazakhstan, sa kanyang huling laban, sa undercard ng Golovkin-Derevyanchenko bout, dinaig ni Szeremeta si Oscar Cortez TKO sa second round.
Ito ang ikatlong sabak ni Golovkin bilang bahagi ng three-year fight deal sa DAZN.