Advertisers

Advertisers

‘Makiisa sa selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’ – Mayor Honey

0 14

Advertisers

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng city government officials, employees at residente ng lungsod na makiisa sa selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’ sa June 24, 2024 para sa paggunita ng ika- 453 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod na siya ring kabisera ng bansa.

Sinabi ni Lacuna, tulad noong isang taon, isang civil-military parade ay gaganapin sa Dagonoy sa Onyx na lalahukan ng lahat ng city employees at mga Manila-based organizations para sa joint celebration ng nasabing okasyon.

“Lahat ay hinikikayat ko bilang pagdiriwang na tayo ay magkita-kita sa Lunes, June 24, sa Dagonoy, Onyx para sa ating taunang civil-military parade. Kayo ay bahagi ng lungsod ng Maynila kaya marapat lamang na kasama namin kayong lahat sa pagdiriwang ng napakahalang araw na ito,” sabi ng lady mayor.



Idinagdag pa ni Lacuna na :” Sa susunod na linggo, sa Lunes, ay ipagdiriwang na natin ang ika-453 taon ng pagkakatatag ng lungsod ng Maynila, isang bagay na hindi natin dapat balewalain dahil sa lob ng 453 years at hinubog ang Maynila bilang tunay na karapat- dapat bilang kapitolyo ng ating bansa.”

Kaugnay nito ay pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng tumulong sa Maynila upang manguna sa iba pang mga lungsod sa bansa.

“Sa lahat ng mga katulong natin sa paglilingkod, pribado man o kasama natin sa trabaho, maraming-maraming salamat sa inyong lahat,” sabi nito.

Binigyang diin ni Lacuna na dapat na ikarangal ng mga taga-Maynila na sila ay pinanganak, lumaki, nag-aral, nagkaroon ng pamilya at naglingkod.

Pinuri at pinasalamatan nya rin ang lahat ng city government’s partners mula sa private sector at maging indibidwal na patuloy na tumutulong sa lungsod sa maraming paraan. Ilan dito ay kinilala at pinarangalan sa ‘Gawad Manileno 2024’. (ANDI GARCIA)