Advertisers
Nagsalita ang mga convenors ng Pilipino Tayo Movement sa pangunguna ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica, kasama sina dating Anti-Red Tape Authority (ARTA) officials na sina Carlos Quita, Eduardo Bringas, dating Sen. Gringo Honasan, Bishop Butch Belgica at Bishop Rueben Abante ang iba pang convenors, sa paglulunsad ng kilusan sa isinagawang Press conference. Hinihimok ng Kilusang Pilipino Tayo Movement ang mga Pilipino na makiisa sa panawagan para sa pambansang reporma sa pamamagitan ng isang constitutional convention. Layunin nitong mag-organisa ng Con-Con forum at magtipon ng mga delegado mula sa lahat ng sektor ng lipunan para bumalangkas ng mga mahahalagang pagbabago at pagpapabuti sa Konstitusyon ng bansa at ang uri ng balangkas ng pamamahala na gusto ng mamamayan. (BONG SON)