Advertisers
Ibinunton ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ang pagreresign ni Vice President Sara bilang Education Secretary at Vice Chair of National Task Force to End Local Communists Armed Conflict sa ama nitong si dating presidente Rodrigo Duterte at sa mga bayaran nitong supporter at mga vlogger.
Sa isang video na naglalaman ng pahayag ni Gadon na ipinamahagi sa media, inihayag ng kalihim na maganda rin sa isang banda ang pagbibitiw ng Bise Presidente sa dalawa nitong posisyon.
“Because the duty of the Vice President is to assist the President and to perform other functions that nay be assign by the President. And how can she do that, when her father and his supporters and their vloggers are calling President Bong Bong Marcos as “bangag” and addict and conducting (well funded) rallies even if they are just only few calling for the resignation of President Bong Bong Marcos,” sabi ni Gadon.
“President Marcos was elected by more than 31 million Filipinos, the highest in the history of the a Philippine elections and the only majority elected president. Tapos gusto nila magresign ang presidente. Paano naman kami? Na majority ng Filipino na bumoto sa presidente,” paliwanag pa niya.
Ayon kay Gadon, walang inang naapektuhan ng mga ginagawa nila dating Pangulong Duterte at ng kanyang mga taga-suporta kung di ang kanyang anak na si Inday Sara, na lalong bumaba ang trust at acceptance rating.
“Ang may kasalanan diyan ay yung Ama at kayong mga DDS supporters and vloggers na kung tawagin ang presidente eh addict at bangag. Mayroon bang addict at bangag na napakatalino, napakagaling, o’ di nagbabasa ng mga speeches at ginagalang ng mga world leaders at kahit saan siya magpunta nakikita niyo ang mga tulong talagang binibigay niya sa mga tao. At napakagaganda ng mga programa ng gobyerno under the leadership of President Bong Bong Marcos,” paliwanag pa ni Gadon.
“Yang mga ginagawa ninyong lahat na yan, nag-backfire kay VP Inday. Ang may mga kasalanan sa mga nangyayari ngayon ay kayo na mga DDS supporters at DDS vloggers at si former president Duterte. Yan ang talagang pangyayari. Sayang yung Uniteam, maganda na sana inumpisahan pero dahil lamang sa isyu ng confidential funds nagwala na mga Duterte. Sino nagsuffer? Si Inday Sarah” sabi pa ni Gadon.