Advertisers
Ni ARCHE LIAO
NAGING usap-usapan ang ginawang pagdulog sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz kasama ang kanyang Showbiz Update co-hosts na sina Mama Loi Villarama, Ate Mrena at Tita Jegs kamakailan.
Naghain kasi ng counter affidavit si Ogie sa isinampang cyber libel case laban sa kanya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo noong Mayo.
Sa nangyaring proceedings, nagbigay naman ng statement ang kanilang legal counsel na si Atty. Regie Tongol hinggil sa nabanggit na usapin.
Iniesplika niya ang tunay na pinag-ugatan ng “two counts” na reklamo ng kampo ni Bea laban kay Diaz at sa co-hosts nito.
Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Bea sa isinampang counter affidavit ni Diaz at ng kanyang co-hosts.