Advertisers

Advertisers

Claudine ‘rebound’ lang si Raymart kaya ‘di nagtagal ang relasyon

0 279

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MULING umingay ang feud ng ex-couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Sa pamamagitan ng abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, nagdemanda ang aktres sa estranged husband dahil hindi raw ito sumusunod sa napag-usapan nilang sustento.



Kung dati raw kasi ay 100k kada buwan ang sustento nito, naging 14k na lang daw ito.

Kaugnay nito, kasong economic abuse ang isinampang kaso ni Claudine.

Dahil dito, muli na namang naungkat ang nakaraan nila kasama na ang lumutang na interbyu kay Claudine sa Kris TV.

Sa nasabing interview, sinabi ni Claudine na kaya hindi umubra ang relasyon nila ni Raymart ay dahil “rebound” lang niya ang aktor.

Ibig sabihin, dumating lang ang aktor noong panahong down siya, nalulungkot at walang masusulingan.



“I think rebound kasi, ‘wag na dun na tayo kasi masakit. ‘Wag na natin pag-usapan,” ani Claudine sa nabanggit na interview.

Aminado naman kasi si Claudine na hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakalilimutan ang yumaong ex na si Rico Yan na aniya’y napapanaginipan pa rin niya paminsan-minsan.

Kamakailan, naging usap-usapan din si Claudine dahil sa kanyang operasyon sa kamay.