Advertisers

Advertisers

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL  sa bagong hair style ngayon ni Maris Racal, napagkamalan siyang  miyembro ng Girl group na BINI bilang si BINI Gwen. Ito yung video na naglalakad siya sa East Avenue papasok sa Quezon Memorial Circle kung saan ginaganap ang pagtitipon para sa PridePH Festival.

Ang sagot ni Maris sa tumatawag sa kanyang BINI Gwen, “Eto yung naglalakad ako sa East Ave Happy Pride talagaaa!



#LoveLaban2Everyone.”

May hawig naman kasi si Maris kay Bini Gwen kaya napagkamalan ang aktres na miyembro ng sikat ngayong Filipino girl group.

Isa rin kasi ang BINI sa guest sa ginanap na PridePH Festival pero dahil sa malakas na ulan at nagkaroon ng technical problem kaya hindi na nakapag-perform ang grupo dahil pinahinto na ito ng namamahala ng show.

Umabot na sa 371.5k views, 827 retweet, at 10k engagements ang ipinost ni Maris Racal kung saan tinawag siyang BINI GWEN sa kanyang X account.

***



SA panayam ng Fast Talk with Boy Abunda nitong nagdaang Huwebes kina Ruru Madrid at Bianca Umali, sinabi ng huli na hindi nila iniisip ng una mag-live in o magsama sa isang bahay kahit pa ilang taon na silang magkarelasyon.

Ayon kay Bianca, iginagalang at nirerespeto nila ang kautusan ng kinabibilangan nilang relihiyon, ang Iglesia Ni Cristo. Na mas gusto nilang magsama sa iisang bubong kapag ikinasal na sila at may basbas na ng kanilang simbahan.

“Pero sa ngayon, especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal. And we honor that,” sabi ni Bianca.

Naniniwala rin ang dalaga na darating ang tamang panahon para sa kasal nila ni Ruru at looking forward na rin siya sa pagbuo ng sariling pamilya.