Advertisers

Advertisers

Mga kaibigan sa showbiz natuwa dahil totally free na si Sen. Leila de Lima

0 38

Advertisers

Ni OGGIE MEDINA



ANG huli namin pagkikita ni Sen. Leila de Lima ng personal ay sa La Salle Green Hills na kung saan ako ay mangangarap na magturo ng alternative education sa ating mga kapus-palad na kahit may edad ay maari pang magtapos ng secondary education.  Hangad kong magbahagi ng kaalaman at bilang pagtanaw ng utang na loob sa La Salle Brothers na nagpaaral sa akin.

Tuwang-tuwa ako nang maging panauhin si Sen. Leila ni Rina Ortiz, ang butihing founder ng Biyaya Animal Care at Biyaya Animal Sanctuary sa kanyang The Rina Ortiz  Podcast  Season 2.

Natuwa naman ang mga kaibigan natin sa showbiz, tulad nina Jackie Aquino, Leah Navarro, Anna Ylagan  sa pagbasura ng korte sa Muntinlupa sa huling kaso laban kay Sen. Leila de Lima. Sa wakas ay totally free na siya.

Tanong ko pa sa kanya, ‘Paano hinubog ang pananaw niya sa buhay sa kanyang naging karanasan sa maling paratang at sakripisyo noon siya’y nasa kulungan?’

Ito ang simpleng tugon niya: “Pananampalataya. My faith in my innocence, and more than that, faith in God.” ”

Isa rin siya sa anim na mga matapang kababaihan na na-feature sa Santelmo Magazine.

Maganda isapelikula ang buhay ni Sen. Leila dahil may aral tayong matututunan at sino kaya ang gaganap na aktres bilang Sen. Leila de Lima?