Advertisers

Advertisers

3 Duterte tatakbo sa Senado: Subukan nang malaman

0 24

Advertisers

INANUNSYO ni Vice President Sara Duterte-Carpio na tatakbong senador ang kanyang ama at dalawang kapatid sa darating na midterm Election ‘25.

Hindi natin alam kung gaano katotoo ang inanunsyong ito ni Inday Sara. Maaring bluff niya lang ito o nagbibiro lang siya. Pero mukhang seryoso eh. Hehehe…

Ang pagtakbo sa Senado nalang kasi ang tanging paraan ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte para magkaroon ng kakampi sa Kongreso kapag naisyuhan siya ng arrest warrant ng International Criminal Court sa kinakaharap niyang kasong ‘Crimes Against Humanity’ kaugnay ng kanyang war on drugs noong termino niya sa Malakanyang.



Kapag naging senador si Digong ay magkakaroon siya ng “immunity” sa mga imbistigasyon ng mga mambabatas.

Ngayon pa nga lang ay iniimbitahan na siya ng House panel ni Congressman Benny Abante sa ginagawang imbistigasyon sa mga patayang naganap sa kanyang war on drugs noon.

Ang dalawa pang utol ni Inday Sara na sinasabi niyang kakasa sa Senatorial race ay sina Congressman Paolo “Polong” at Davao City Mayor Sebastian “Baste”.

Sina Polong at Baste ay kapwa rin posibleng imbistigahan sa mga katiwalian at administratibo.

Si Polong ay sinasabing tumanggap ng P51 billion na pondo sa kanyang unang termino bilang kongresista at huling tatlong taon ng termino ng kanyang ama. Hinahanap ngayon kung saang proyekto niya ito inilagay.



Si Baste naman ay maaring imbestigahan sa ipinatupad niyang ‘war on drugs’ kungsaan marami agad ang natigok sa maikling panahon palang ng pagpatupad nito bago ipinatigil ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Lahat ng opisyal ng pulisya sa Davao City ay inalis sa puwesto dahil sa naturang kautusan ni Baste na kontra sa polisiya ng Marcos administration.

Kapag naging senador nga naman sina Polong at Baste, absuelto na sila sa imbestigasyon ng Kongreso. Lalo na kung tatlo silang Duterte sa Senado plus Vice President Sara. Wow!!! Whatta political dynasty!!!

Ibinunyag pa ni Inday Sara na si Baste ang sasabak sa pagkapangulo sa 2028!!!

Maaring bluff lang din ni Inday Sara ang pag-anunsyong tatakbong Pangulo si Baste, pero ang totoo ay siya ang kakasa. Aminin!!!

Kung totoong tatakbong senador ang mag-aamang Duterte at nanalo silang lahat, ibig sabihin ay matibay parin sila. Pero kapag natalo silang lahat, adios 2028, Inday. Hehehe…

Kayo, mga pare’t mare…iboboto n’yo ba ang mga Duterte sa Senado? At gusto n’yo bang isang Duterte uli ang maging Pangulo sa 2028?

Ang kapalaran ng mga Duterte sa politika ay nasa kamay nating mga botante.

Oo! Laging tandaan: Anumang katiwalian at kalokohan na ginawa ng isang politiko ay ang taong bayan ang may kasalanan lalo kapag ibinoto uli sa eleksyon. Period!

***

Kapag tumakbo ang tatlong Duterte sa Senado, magkakatiket na sina Sen. Bato dela Rosa at Sen. Bong Go. Puede sila tawaging Voltes 5. Hehehe…