Advertisers

Advertisers

Rey Valera, Ogie Alcasid at Rita Daniela guests ni Gerald Santos sa Grateful Concert Sa Music Museum; ISkin Cafe ka-level ng Big Coffee Shop Ang Sarap

0 52

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

KAGAGALING lang ni Gerald Santos ng Nunungan Lanao Del Norte, kung saan sila ni Sheryn Regis ang special guests sa 58th Araw Ng Nunungan na ginanap kagabi, June 27 sa Nunungan Government Center. Punung-puno ang nasabing venue at nag-enjoy ang lahat sa performance ni Gerald at grabe ang palakpakan at hiyawan sa kanya nang lumabas siya sa stage.
Well, mahusay naman talaga kasing performer si Gerald at kuha nito ang kiliti ng masa.

Nagpapasalamat pala ang singer at manager nito na si Rommel Ramilo kay Nunungan Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay na nag-imbita kay Gerald sa nasabing fiesta. Aside sa pagiging singer at aktor ay isa ring Pinoy Pride si Gerald, na nakilala sa UK dahil naging parte ng long-running musical na Miss Saigon at umabot sa 614 ang performances ni Gerald as Thuy in both the UK tour and Denmark edition mula 2017 hanggang 2019 at 2023. This year ay 18 years na sa showbiz si Gerald at may handog siyang concert titled GRATEFUL (THE 18TH ANNIVERSARY CONCERT.) Ito ay gaganapin sa Music Museum ngayong June 29, 2024 at 7 PM. At malalaking pangalan din sa music industry ang special guests ni Gerald na sina Rey Valera, Ogie Alcasid at Ms. Rita Daniela. Also Yza Santos (OPM POP-CLASSICAL PRINCESS) at ASIA’S SINGING COMPETITION GRAND CHAMPION Andrea Gutierrez. This is Concept, Written and Directed by Antonino Rommel Ramilo. Siguradong maganda ito. And for your tickets it’s available in TICKETWORLD and call at 891.9999. GERALD SANTOS GRATEFUL CONCERT is presented by ECHOJHAM in Cooperation with WISH 107.5 and GLOBALTRONICS.



***
NATIKMAN na namin ang iced caramel macchiato na isa sa pinagkakaguluhan ng mga coffee lover sa ISkin Cafe ni Ma’am Kate Pagkalinawan. At napa wow talaga kami sa sobrang sarap nito na pwedeng lumevel sa inooffer ng mga kilalang big coffee shop. At maliban sa iba’t ibang flavor ng kanilang iced coffee creations ay siguradong maeenjoy niyo rin ang kanilang creme cakes na may iba’t ibang flavor like ube and mango at try niyo rin ang kanilang creamy egg pie. You will enjoy also their triple chocolate mousse and heathy juices. Ang babait pa ng kanilang mga coffee masters o barista na sina Chris Andaya at Glen Perez.

Katabi lang mismo ng ISkin Aesthetic Lifestyle ang ISkin Cafe na located sa 2nd level ng Air Mall SMDC Malugay St, San Antonio Village, Makati City. Open sila from 10 AM to 8 PM Monday to Sunday. At napaka spacious ng coffee shop na ito ni Ma’am Kate na certified coffee lover din.