Advertisers

Advertisers

PNP CHIEF MARBIL, NAGPATUPAD MULI NG BALASAHAN SA KANILANG HANAY

0 20

Advertisers

NAGPATUPAD muli ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa hanay ng kanilang matataas na opisyal.

Base sa kautusan ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, inalis bilang Area Police Commander ng Western Mindanao si Police Lt. General Jonnel Estomo at inilipat ito sa bilang APC-Southern Luzon.

Si Police Major General Bernard Banac naman ay inalis bilang Director ng Directorate for Police Community Relations at itinalaga bilang Area Police Commander ng Western Mindanao.



Tinanggal din bilang Area Police Commander ng Central Luzon si Police Major General Marcelino Bazar at itinalaga ito bilang bagong hepe ng Directorate for Information and Communications Technology Management o DICTM.

Samantala si Police Brig. General Erich Tan Royales naman na nasa Personnel Holding and Accounting Unit, Directorate for Personnel and Records Management ay itinalaga bilang hepe ng Directorate For Human Resource And Doctrine Development.

Si Police Brig General Roderick Augustus Alba naman mula sa DHRDD ay inilipat bilang bagong hepe ng Directorate for Police Community Relations at panghuli si Police Brig General Neri Vincent Ignacio na inalis sa Directorate for Logistics at itinalaga sa Directorate for Comptrollership.

Epektibo ang nasabing rigodon ngayong araw.

***



Samantala aabót naman sa 19,850 na pulis ang magbabantay sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na ika-22 ng Hulyo.

Sinabi ni Maj. Gen. Jose Nartatez, and hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at ng Task Force SONA, na sa naturang bilang, 17,971 na pulís ang galing Metro Manila at ang 1,879 ay magmumulâ sa ibáng regional police offices.

Bukód pa dito, may 2,771 na security personnel mulâ sa ibáng mga ahensiya ng gobyerno ang tutulong sa pagbabantáy sa Metro Manila.

Bukód sa Batasan Complex, mahigpít din ang gagawíng pagbabantáy sa Mendiola, US Embassy sa Maynila, at sa EDSA Shrine, magíng sa mga shopping malls, simbahan, transport hubs, at terminals.

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.