Advertisers
TINATAYANG umabot sa 50 drug suspect ang naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office NCRPO sa magkahiwalay na operasyon sa ibat ibang lugar sa Metro Manila.
Dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga criminal at iligal na droga, nalansag sa operation ang ibat ibang illegal na aktibidad sa rehiyon sa pamumuno ni Regional Director PMGen Jose Melencio C Nartatez Jr.
Ayon sa NCRPO may kabuuang 28 operasyon ang isinagawa ng mga operatiba mula June 29 hanggang 30, 2024 kung saan nakumpiska ang 180.54 grams na hinihinalang shabu habang 28 grams naman na marijuana na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na aabot sa Php1,231,152.00.
Pinapurihan naman ni General Nartatez ang mga tauhan nito sa dedikasyon sa pagtupad ng kanilang trabaho laban sa mga kriminalidad at illegal na droga. (JOJO SADIWA)