Advertisers

Advertisers

2,500 job vacancies sa “‘Kalinga’ sa Maynila PESO Job Fair” – Mayor Honey

0 14

Advertisers

INANUNSYO ni Manila Mayor Honey Lacuna na mayroong 2,500 job vacancies ang inaalok ng “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair’ na gaganapin sa July 3, 2024 (Miyerkules).

Ayon kay Lacuna, ang nasabing job fair ay gaganapin mula 8 a.m. hanggang 12 noon sa Guadalcanal Street ,Sta. Mesa, Manila.

Idinagdag pa ni Lacuna na ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Fernan ay nag-ulat na ang employment opportunities ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.



Ang job fair, dagdag pa ng alkalde ay sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.

Pinapayuhan ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpen at sumunod sa standard public health protocols.

Hinihikayat ng alkalde ang mga Manileño na walang trabaho na subukan Ang kanilang kapalaran dahil marami sa mga nag-a-apply ang natatanggap on the spot.

Sa nasabing ‘Kalinga sa Maynila’ na gaganapin sa Sta. Mesa sa Miyerkules, ang mga sumusunod na pangunahing serbisyo ay available sa pamamagitan ng stalls na itinayo para sa medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle, parking registration, PWD/solo parent/senior citizen IDs, clearing/flushing operations, water/electricity, building permit inquiries, notary services, police clearance.

Ang mga pinuno ng iba’t-ibang departments, bureaus at offices ay inaasahan din na naroroon, ilan sa kanila ang MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works,
Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office,
City Legal Office, Manila, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, PESO -Manila, Manila OSCA, Manila Veterinary Inspection Board
and City Treasurer’s Office- Manila.



Sakop ng nasabing forum ang mga Barangays 594, 595, 596 at 597 at magsisimula ganap na alas-7 ng umaga. (ANDI GARCIA)