Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA IG post sa social media ng aktres na si Angelica Panganiban ay nakita ng netizens ang kasama nitong aso.
Mukha ngang close si Angelica sa asong German Sheperd na pansin ng netizens na tila ngayon lang nila nakita sa post ng aktres.
Naispatan din sa post ang isang guy na nakasakay sa isang speed boat na may kasamang German Sheperd na kasama rin ni Angelica.
Kaya naman naisip ng netizens na ito na nga raw ang lalaking nagpapasaya kay Angelica.
Nakita nga rin ng isang netizen ang komento ng isang Gregg kay Angelica na nasa Batangas ngayon.
“Come home na Hon,” tawag ni Gregg kay Angelica.
Natuwa naman ang followers ni Angelica at masaya na ang kanilang idolo.
Wish ng netizens na ito na nga raw sana ang makakasama ni Angelica for life.
***
GRABENG napangiti si KC Concepcion dahil sa nakitang sobrang pagmamahal ni Matteo Guidicelli sa misis na si Sarah Geronimo.
Naging guest ni KC ang mister ng Pop Princess sa kanyang online show na Kitchen Collabs.
Ang mga guest ni KC ang nagtuturo sa kanya ng pagluluto at nagluto nga ang Filipino-Italian na si Matteo.
At ang paborito raw ni Sarah na pasta ang niluluto ni Matteo.
Kaya naman naitanong ni KC kung nakagagawa nga raw ng kasalanan si Matteo eh ano ang ginagawa nito sa misis.
Pag-amin ni Matteo kay KC na panay raw ang sorry niya nang paulit-ulit sa asawa.
Nasabi tuloy ni KC na napakabait naman daw pala na mister si Matteo.
Well, well, well…’Yun na!