Advertisers

Advertisers

Brodkaster, 7 pa tinangay vault ng kompanya

0 9

Advertisers

Arestado ang 56-anyos na radio broadcaster, kasama ang pitong kasabwat nang looban at tangayin ang vault at iba pang mga kagamitan ng isang kompanya sa Quezon City noong Sabado.

Kinilala ang naaresto na sina Junito Napigkit Bugas, 56, announcer sa isang local radio station; kapatid nitong si Melchor Napigkit Bugas, 57; Gerald Balazo Ramil, 45, construction worker; Ronald Bait-it Allanig, 32, jobless; Felix Palnoga Handumon, 38, construction worker; Janet Linis Mendoza, 50, medical staff; Maybelle De Guzman Bugas, 45, caretaker; Ma. Christina Joy Mangbanag Verien, 22, at Angelica Abuedo Bonabon, 37, online seller.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 2:11 ng hapon (July 6), nang maganap ang robbery hold-up sa Customer First Distributor Incorporated sa No. 38 Sagittarius St., Brgy. Talipapa, Quezon City.



Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Jordan Barbado, nang makatanggap ng impormasyon sa naganap na robbery-holdup agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng QCPD.

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Talipapa Police Station 3 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Resty Damaso, Special Opeations Unit sa pangunguna ni P/Maj. Wilfredo Taran Jr., Special Weapons and Tactics, District Mobile Force Battalion sa ilalim ni P/Lt. Mark Corpuz, CIDU sa pamumuno ni P/Maj Don Don M Llapitan, sa koordinasyon ng General Trias City Police Station sa ilalim ni P/Maj. Hilario Lacaste at Noveleta Municipal Police Station, ang mga suspek sa magkakahiwalay na lugar.

Nasamsam sa grupo ang company vault, isang Glock 17 caliber 9mm, cellphones, 6 piraso ng 9mm live ammunition, isang magazine, black sling bag, mga IDs, black Toyota Commuter, 4 sachet ng shabu na naglalaman ng mahigit kumulang 20 gramo at nagkakahalaga ng P136,000, mga dokumento ng kompanya, granada at isang caliber .38 Armscor na walang serial number.

Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">