Advertisers

Advertisers

WALA NA UBOS NA

0 1

Advertisers

KONTING panahon na lamang at lalaya na din ang bansa sa mga kuko ng magugulong komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Paano ko nasabi? Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nagmamalaki sa pag-aannounced nito. Dahil malaki na rin ang nagawang papel ng task force para hikayatin ang mga miyembro ng rebeldeng grupong ito na magbalik-loob na sa pamahalaan at makapamuhay na nang tahimik.

Paglalahad ng NTF-ELCAC at mismong si General Romeo Brawner Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na rin ang nagsabi, ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay binibigyang-diin ang bisa ng pinagsamang pagsisikap ng NTF-ELCAC, AFP, Philippine National Police, local government units at mga
community stakeholders sa pag-sugpo ng insureksiyon at pagbibigay ng mga proyektong ikauunlad ng mga komunidad na dating kinukubakob ng CPP-NPA-NDF.



Kapag ubos na ang mga pesteng ito, pihadong iiral ang kapayapaan sa mga malalayong kumunidad at magpapatuloy ang daloy ng kaunlaran.

Sabi nga ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr., nagbubunga na ang kanilang pagsisikap na maibalik ang katahimikan sa mga lugar na dati’y pinipeste ng mga rebelde.

Ang atin Armed Forces naman ang siyang taga-walis sa mga pesteng komunistang-teroristang mga ito, kaya ngayon ay kakarampot na lang ang kanilang bilang.

Sa ulat nga ni Brawner, pipito na lamang ang guerrilla fronts ng CPP-NPA-NDF dahil sa mga pagtaboy ng militar at pagsisikap ng NTF-ELCAC gamit ang ‘whole-of-nation approach’ upang maibalik ang katahimikan at kapayapaan sa mga lugar na dati’y binubulabog ng mga komunistang-teroristang.

Tulad ng Support to Barangay Development Program (SBDP), ito ang paraan ng task force para malusaw ang suportang nakukuha ng CPP-NPA-NDF sa mga barangay na dati’y tinatakot at sinasamantala ng mga rebeldeng ito.



Ito ang nakapagbago ng kaisipan ng marami nating kababayan sa mga kanayunan, na ang mga pinaniniwalaang idelohiya ng CPP-NPA-NDF ay talaga namang di angkop sa kanila.