Advertisers
Bumisita noong Lunes, pormal na kinilala ng Tingloy, Batangas si Senator Christopher “Bong” Go bilang “adopted son” nito, bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa kanyang mga kontribusyon sa komunidad.
Isa nang adopted son ng CALABARZON region kung saan nagmula sa Batangas ang kanyang pamilya na Tesoro, naantig si Go sa nasabing pagkilala. Nangako siya na patuloy niyang susuportahan ang mga taga-Tingloy.
“Ang pagkilala na ito ay hindi lamang isang karangalan, kundi isang paalala na patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin sa pagtulong sa bawat Tingloyan at sa bawat Pilipino dahil bisyo ko na ang magserbisyo,” sabi ng senador.
“Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan para sa kabutihan ng bawat isa. Ang pagiging “adopted son” ko ng Tingloy ay nagbibigay inspirasyon sa akin na palawigin pa ang ating mga programa sa kalusugan at kaunlaran,” idinagdag niya.
Sa regular session noong Hulyo 1, sa pangunguna ni Vice Mayor Dawn Erika Alvarez-Amboy, nagkaisa ang Sangguniang Bayan ng Tingloy na ipasa ang Resolution No. 98 na inaprubahan ni Mayor Lauro Alvarez.
Pinarangalan sa resolusyong si Go sa kanyang hindi natitinag na pangako sa serbisyo-publiko at sa malalim na epekto ng pagpapahalaga niya sa kapakanan at kaunlaran ng munisipalidad.
“His dedication and service have earned him the highest respect, admiration, and gratitude from the people of Tingloy, solidifying his role as a true ally and advocate for their welfare,” nakasaad sa resolusyon.
Lubos na kinilala si Sen. Go para sa kanyang napakalaking kontribusyon, lalo sa sektor ng kalusugan, sa palakasan, at sa pagsisikap na mapabuti ang kabuhayan ng maraming pamilya.
Samantala, sinabi ni Go, tagapangulo ng Senate committee on health na patuloy niyang isusulong ang pagpapabuti ng access sa healthcare lalo’t kritikal na kinakailangan ang serbisyong ito sa komunidad ng Tingloy.
Tiniyak niya na tuloy-tuloy ang operasyon ng 165 Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang ang nasa Batangas Medical Center sa Batangas City at Batangas Provincial Hospital sa Lemery.
Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.
“Magpapatuloy ang aking pag-aalay ng serbisyo, hindi lamang bilang isang senador kundi bilang isang kapamilya ng bawat mamamayan ng Tingloy,” ayon sa senador.