Advertisers

Advertisers

Immigration, salarin sa pagbaha ng Chinese criminals sa Pinas

0 25

Advertisers

KUNG napakarami man ngayong Chinese criminals sa bansa, na mostly ay dumating sa atin noong termino ni ex-President Rody Duterte, walang ibang dapat sisihin kundi ang Bureau of Immigration (BI).

Trabaho ng BI na salain ang lahat ng dayuhang pumapasok sa Pilipinas. Kaya kung may mga nakalusot mang dayuhang kriminal, ibig sabihin ay hindi ginagampanang maige ng immigration ang kanilang trabaho. Mismo!

Napakarami kasing tiwaling empleyado at opisyal sa immigration lalo noong Duterte administration. Remember pastilyas scam?, kungsaan nasangkot pati ang dating Justice Secretary na si Vitaliano Aguirre.



Sa panahon ni Duterte bumaha ang Chinese nationals na nagtrabaho sa mga iligal na POGO, na nabunyag ngayon na ang mga nasa likod pala nito ay mga miembro ng gabinete ni Duterte noon. Fuck!

Talagang sakit ng ulo ngayon ng Marcos administration ang grabeng mga katiwaliang iniwanan ng past Duterte government.

Sa ginagawang mga imbestigasyon ngayon ng Kongreso, House at Senate, tungkol sa iligal na droga at POGO, lumalabas ang pangalan ng mga nakaraang opisyal ni Duterte tulad nina Michael Yang, Harry Roque at dadalawa pang senador na dikit sa dating pangulo.

Dapat ipakulong ng Marcos administration ang mga hinayupak na mga dating opisyal. Mismo!

***



May nasagap akong impormasyon tungkol sa posibleng pagsanib-puwersa ng Marcos at Aquino para 2025 at 2028 elections.

Oo! May malaking pagbabago na mangyayari pagkatapos ng 3rd State of the Nation Address (SONA) ni PBBM sa Lunes, Hulyo 15.

Ayon sa aking bubuwit, magbibitiw si Justice Secretary Boying Remulla dahil sa kanyang kalusugan. Papalitan daw siya ng kasalukuyang Executive Secretary na si retred Chief Justice Lucas Bersamin.

Ipapalit naman kay Bersamin ang pinsan ni First Lady Liza Araneta-Marcos na si Mar Roxas, kung hindi man ay ang bespren ng Unang Ginang na si Atty. Alex…

Ayon sa source, pinulong na ni Roxas ang mga department head ng Dept. of Transportation (DoTr) kamakailan at umiikot narin sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Nitong mga nakaraang araw, dinalaw ng mga anak ni Kris Aquino si First Lady Liza sa Malakanyang.

Sabi ni PBBM, kamag-anak ni Liza ang Aquino. Yung auntie raw nito ay asawa ni Don Pepe na eldest brother ni late President Cory Aquino.

Okey daw sila ng mga Aquino, sa politika lang sila hindi magkasundo.

Ang ama ni PBBM at si late Sen. Ninoy Aquino ay magka-brad sa fraternity sa UP.

Ngayong wala na ang matatanda (Ferdinand Marcos, Sr. at Ninoy Aquino) na naging mortal na magkaaway sa politika, ang kanilang mga anak ay gusto nang magkaayos, magkaroon ng peace of mind, at magsanib-puwersa sa politika.

Pagsanib ang dilaw at pula equals orange! Villar ito. Hehe…